Daily Tribune (Philippines)

‘RUN SARA RUN’ TARPS TAMA BANG TANGGALIN?

-

Nagkalat na kung saan-saan ang mga tarpaulin na naghihikay­at sa anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Mayor Sara na tumakbo sa pampangulu­hang eleksyon sa 2022.

Isa na sa mga lugar kung saan nakabaland­ra ang mga tarpaulin ay sa Cebu City, na sadyang hindi naman yata nagustuhan ng mga lokal na opisyal ng lungsod.

Dahil dito, iniutos kahapon ng Cebu City Office of the Building Chief na si Florante Catalan na tanggalin ang mga tarpaulin na ikinabit sa iba't ibang kalsada sa lungsod.

Ayon kay Catalan, pinatangga­l ang mga nasabing tarpaulin dahil wala naman silang natatangga­p na aplikasyon para ikabit ang mga nasabing materyales mula sa mga sinasabing "Friends of Sara" o mga organizer ng "Run Sara Run".

Ang tanggapan ni Catalan ang siyang nangangasi­wa at tumitiyak na ang National Building Code ay nasusunod.

Kailangan umano ng permit mula sa lokal na pamahalaan bago makapaglag­ay ng streamer sa iba't ibang pampubliko­ng lugar base na rin sa ipinaiiral na City Ordinance.

Kung simpleng pagsunod sa batas ang nais pairalin ng opisyal hinggil sa tarpaulin ng mga kaibigan ni Sara na naglalayon­g siyang patakbuhin sa darating na eleksyon, walang dahilan para ito ay tutulan o hadlangan.

Kaisa tayo palagi sa kaayusan at tamang pagsunod sa batas.

Pero kung ang nasabing utos ay may udyok ng pulitika at ginagawang dahilan lamang ang tinutukoy na batas ni Catalan, isa yata itong malaking kalokohan. Lalo pa't nagsalita na rin ang isang opisyal ng Commission on Elections na wala naman talagang paglabag sa election laws dahil unang-una ay hindi pa eleksyon

Newspapers in English

Newspapers from Philippines