Daily Tribune (Philippines)

JAZZ SINAGASAAN ANG LAKERS

-

Tinambakan ng Utah Jazz ang NBA champion Los Angeles Lakers, 114-89, nitong Huwebes upang mapanatili ang mahigpit na hawak sa unahan ng standing.

Nagtapos si Donovan Mitchell ng 13 points, nagbaba ng 10 rebounds at may walong assists para sa Utah. Nagdagdag si Rudy Gobert at Jordan Clarkson ng tig-18 points kung saan anim na Jazz players ang umiskor ng double figures sa pagdomina sa bugbog sa injured players na Lakers.

“We’re playing consistent basketball right now,” ani Mitchell matapos sungkitin ng Jazz ang kanilang ika-22 panalo sa 24 games.

“That’s the biggest thing, to continue to play consistent­ly for each other and do the little things. We got away from that in the playoffs and (now) we’re doing it every night.”

Nagsuwak ang Western Conference-leading Jazz ng 22 three-pointers kumpara sa walo lang ng Lakers. Nagbandera ang Utah ng 26-6 win-loss record.

Bumagsak ang Los Angeles, na lumaro na wala ang mga injured star na si Anthony Davis at guard Dennis Schroder sa 22-11 slate para sa kanilang ikaapat na sunod na pagkabigo. Nagsumite si LeBron James ng 19 points bago tuluyang iupo sa fourth quarter nang maging tambakan na ang laro.

Sinuwak naman ni Lu Dort ang pampanalon­g tres sa buzzer sa pagbuhat sa Oklahoma City paalpas sa San Antonio Spurs, 102-99.

Umiskor si Shai Gilgeous-Alexander ng career-high 42 points para sa Thunder, na nakakuha ng tig-16 markers kina Al Horford at Dort.

Naitabla pa ng San Antonio ang laro sa 99-99 sa layup ni Lonnie Walker may 29.9 segundong natitira ngunit inaksaya ng Spurs ang pagkakatao­n nang mag-commit ng turnover may 3.9 tikada na lang sa orasan.

Samantala, kumana si Zach LaVine ng 35 points sa pagsuwag ng Chicago Bulls sa Minnesota Timberwolv­es, 133-126; nagwagi ang Atlanta Hawks, 127-112, laban sa Boston Celtics; tinalo ng New Orleans Pelicans, 128-118, ang Detroit Pistons habang lumusot ang Golden State Warriors sa Indiana Pacers, 111-107.

 ??  ??
 ?? STR/AGENCE FRANCE-PRESSE ?? IDINAKDAK ni Donovan Mitchell ng Utah Jazz ang bola sa kasagsagan ng kanilang sagupaan kontra Los Angeles Lakers.
STR/AGENCE FRANCE-PRESSE IDINAKDAK ni Donovan Mitchell ng Utah Jazz ang bola sa kasagsagan ng kanilang sagupaan kontra Los Angeles Lakers.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines