Daily Tribune (Philippines)

PNP, PDEA NAPAGLARUA­N NG SINDIKATO?

-

Sinisilip ngayon ng National Police at Philippine Drug Enforcemen­t Agency ang posibilida­d na “napaglarua­n” sila ng sindikato ng droga kaya nagsalpuka­n ang kanilang mga operatiba sa Quezon City nitong Miyerkules.

Dalawang pulis, isang PDEA agent, at isang impormante ang nasawi habang isang pulis at tatlong PDEA agent ang nasugatan sa engkuwentr­o ng mga operatiba, sabi ng mga pinuno ng dalawang ahensiya sa isang pulong-balitaan Huwebes.

Bukod sa mga nasawi’t nasugatan sa panig ng PNP at PDEA, may mga sibilyan ding naipit sa engkuwentr­o bagamat walang nasugatan, at may mga ari-arian pang nasira.

Ayon kay PDEA director general Wilkins Villanueva, lumalabas sa inisyal na ulat na parehong buy-bust operation ang isinagawa ng PDEA Special Enforcemen­t Service at Quezon City Police District Special Operations Unit, pero hindi pa nila ito itnuturing na totoo.

Ito aniya’y dahil hindi maaari na parehong “bumibili” ng droga ang magkabilan­g panig, at bawal naman sa batas ang “sell-bust” o kunwaring pagbebenta ng droga para makahuli ng suspek.

Bago ito, naglabas ang pulisya ng isang ulat na nagsasabin­g buy-bust nga ang ginawa ng mga tauhan nito, at huli na lamang napag-alaman na mga taga-PDEA ang ka-transaksyo­n. Sinabi rin sa ulat na ang mga agent ang unang nagpaputok.

Iginiit naman ni PDEA spokesman Derrick Carreon sa isang panayam na lehitimo ang operasyon ng kaanilang mga agent, at sinabi na nakuha pa ng mga ito ang buy-bust money.

Pero sa pulong-balitaan, sinabi nina Villanueva at PNP chief Gen. Debold Sinas iwinawaksi muna nila ang mga ulat ng magkabilan­g panig para bigyang daan ang imbestigas­yon ng joint board of inquiry ng dalawang ahensya.

“If we will side sa mga tao natin, magsasabon­g talaga... baka yung mga tao namin sa baba mag-initan, magbarilan,” ani Sinas.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines