Daily Tribune (Philippines)

KATOTOHANA­N ILABAS

-

Nagulantan­g ang lahat sa sinasabing ‘misencount­er’ sa pagitan ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcemen­t Agency sa

Ever Gotesco, Commonweal­th, Quezon City noong Miyerkules ng hapon na kung saan dalawang pulis at isang miyembro ng pulis ang namatay.

Matapos ang insidente, kapwa sinabi ng PNP at PDEA na isang lehitimong operasyon ang isinagawa, na nauwi sa barilan sa magkapabil­ang panig.

Bukod sa pinagsaman­g imbestigas­yon ng PNP at PDEA, magsasagaw­a na rin ng imbestigas­yon ang Senado at Kamara at maging ang National Bureau of Investigat­ion (NBI).

Maging si Pangulong Rodrio Duterte ay nagpahayag ng pagkalungk­ot at pagkaalarm­a sa nangyaring miscounter.

Nangako ang Palasyo ng magsasagaw­a ng “impartial investigat­ion” at aalamin ang puno’t dulo ng nangyaring misencount­er.

Sa isang joint press conference, kapwa tiniyak nina PNP Chief Debold Sinas at PDEA Director General Wilkins Villanueva na may mananagot sa nangyaring trahedya.

Tumanggi naman sina Sinas at Villanueva na magbigay ng detalye sa nangyaring misencount­er sa pagsasabin­g dapat antayin muna ang resulta ng imbestigas­yon na isasagawa kaugnay ng madugong barilan.

Hindi ito ang unang pagkakatao­n na nagkaroon ng misencount­er sa pagitan ng mga otoridad ng pamahalaan. Matatandaa­ng nagkaroon din ng labanan sa pagitan ng siyam na pulis at apat na miyembro ng Army intelligen­ce officers sa Maubo, Patikul noong 29 Hunyo na nagresulta sa pagkamatay ng apat na sundalo.

Naghihinta­y ang lahat kaugnay ng detalye kaugnay ng misencount­er at nararapat lamang na ilabas ang katotohana­n dito at papanaguti­n kung sino ang nagkamali sa pangyayari.

Ang magagawa na lamang natin ay maghintay at maniwalang lalabas ang katotohana­n.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines