Daily Tribune (Philippines)

Kahihinatn­ant ng VFA idadaan sa tao—Duterte

-

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ikonsulta sa taumbayan ang magiging aksyon kaugnay ng Visiting Forces Agreement (VFA), ayon kay Chief Presidenti­al Legal Counsel Salvador Panelo.

Sa kanyang online program na “Counterpoi­nt”, sinabi ni Panelo na nabanggit ni Duterte ang kanyang plano matapos naman ang pulong ng Gabinete, kamakailan.

“President Duterte said he is still undecided whether to continue or not, the implementa­tion of the VFA. He said ‘I will ask the people on the issue,” sabi ni Panelo.

Kasabay nito, nanawagan si Panelo sa mga senador na hayaan munang makapagdes­isyon si Duterte at tigilan muna ang pagbibigay ng pahayag hinggil dito.

“Our country needs to act in unison. This is the reason why, the president said in order to put a stop on the criticisms from senators, we should consult the ordinary people,” dagdag ni Panelo.

Ayon pa kay Panelo, kasama sa tatanungin ay mga miyembro ng Armed Forces. Kumpiyansa rin si Panelo na susuportah­an ng mga Pinoy ang magiging pinal na desisyon ni Duterte sa VFA.

“Let’s hear the sentiments of the people and I’m sure they will support the President on this as evident by his 91 percent trust and approval rating,” sabi pa ni Panelo.

Samantala, nanawagan naman si Deputy Speaker Rufus Rodrigues kay Duterte na aprubahan ang pagpapatul­oy ng VFA< sa pagsasabin­g kinakailan­gan ang ibayong pagtutulun­gan sa pagitan ng dalawang bansa.

“The President wants to feel the public pulse on the VFA. I think most Filipinos not only support the agreement but want the government to strengthen Philippine-US relations,” ayon pa kay Rodriguez.

“Our people have a natural affinity with America, not only because of our decades of partnershi­p but also because of our close cultural and social ties,” paliwanag pa ni Rodriguez.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines