Daily Tribune (Philippines)

TADURAN, CUARTO MAGSASALPU­KAN!

-

Magkukrus ang landas ng kapwa mga Pinoy na sina defending champion Pedro Taduran at challenger Rene Cuarto para sa Internatio­nal Boxing Federation minimumwei­ght belt nitong Sabado sa Bula Gym in General Santos City.

Naabot ng dalawang fighters ang itinakdang timban sa isinagawan­g weigh-in kahapon.

Tumimbang si Taduran ng 104 lbs habang si Cuarto ay may eksaktong bigat para sa division limit na 105 lbs.

Ang Bicolanong si Taduran ay may 14 panalo kasama ang 11 knockouts, isang talo at dalawang draw habang si Cuarto ay may barahang 18 wins kabilang ang 12 knockouts, 2 losses at 2 draws.

Kapwa 24-anyos ang kaliweteng si Taduran at orthodox na si Cuarto.

Huling lumaban si Taduran noong isang taon sa Mexico kung saan naka-draw niya si Daniel Valladares bago magkaroon ng lockdown dahil sa pandemya. Hindi naman nakasalang si Cuarto sa kabuuan ng 2020.

Ang Taduran-Cuarto title bout ang ikalimang beses na magbabakba­kan ang kapwa mga Pinoy fighters sa isang world title fight.

Unang beses itong nangyari noong 1920s nang makatungga­li ni Pancho Villa si Clever Sencio sa Manila para sa world fly championsh­ip. Matapos ang isang siglo ay nagharap naman si Jerwin Ancajas at ginapi si Jonas Sultan sa Fresno, California, noong Mayo 2018.

Ang ikatlo ay nang pataubin ni Taduran si Samuel Salva noong Agosto 2019 para maangkin ang IBF 105-lb belt sa Taguig.

Nitong isang linggo lang sa Binan, Laguna ay naipagtang­gol ni Vic Saludar ang kanyang WBA minimumwei­ght title kontra Robert Paradero.

 ??  ??
 ?? (Kuha Art Monis) ?? Magsasagup­a sina IBF minimumwei­ght champ Pedro Taduran (kanan) at challenger Rene Cuarto sa General Santos City ngayong Sabado.
(Kuha Art Monis) Magsasagup­a sina IBF minimumwei­ght champ Pedro Taduran (kanan) at challenger Rene Cuarto sa General Santos City ngayong Sabado.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines