Daily Tribune (Philippines)

PAMANA NI WILLIE SA MGA APO AYOS NA

- NI: MARIA DIMAYUGA

Naisaayos na ni TV host Willie Revillame ang kanyang ipapamana sa mga apo niya sa panganay na anak na is Meryll.

Bukod sa pag-ready niya ng mga mana nina Meryll at iba pang anak na sina Marimonte at Juami ay naplantsa na rin ni Kuya Will ang parte nina Elijah Palanca, 13, at Baby Gido, 2.

Si Meryll ang panganay na anak ni Willie kay BecBec Soriano na kapatid ni Maricel Soriano. Sina Marimonte Shanelle Viduya-Revillame na nakatira sa Baguio at Juan Emmanuel o Juami ay anak naman ni Willie sa dating asawang si Liz Almoro-Aliwalas.

Sa kanyang panayam sa 24 Oras, sinabi ni Willie na aliw na aliw siya sa kanyang mga apo kaya naman gusto niyang maging barkada ang mga ito.

“Hindi lang lolo, hindi lang apo, parang gusto ko na kaibigan mo, kabarkada mo ‘yung apo mo, ‘yung ganoon. Kung ano ‘yung nakikita mo sa akin on TV, parang gusto ko ganoon. ‘Yung iniinis mo, ‘yun ang gusto ko, eh. ‘Pag dinadala sa akin ni Meryll ‘yung bata, sabi ko, ‘eto ‘yung mga mag-aalaga sa akin, ‘yung mga batang ‘yun. Parang feeling ko, ganoon,” ani Willie.

Idinagdag pa ni Willie na doble-doble ang pag-iingat na ginagawa niya lalo’t madalas siyang lumabas para sa kanyang show na Wowowin.

Pero tiniyak niyang ino-observe naman nila sa studio ng Wowowin ang tamang protocols. Iilan lang naman sila sa studio ng Wowowin na sinu-shoot sa Wil Tower.

“Kailangan doble ingat lalo madalas eh nakakasama ko ang mga apo,” ani Willie.

Samantala, tuloy pa rina ng pagsi-share ng Wowowin host ng blessings. Sobrang nakakataba kasi ng puso ni Willie ang pagpasalam­at ng mga taong natutulung­an ng kanilang show.

“Every time na may nagba-Viber sa 'min nagpapasal­amat, ipinakikit­a 'yung mga binili nila mula sa ibinigay naming tulong tulad ng bigas, 'yung gamot ng nanay, 'yung gamot ng tatay. I think 'yung realizatio­n nito is kailangan na kailangan natin ng tulong sa mga kababayan natin,” pagbabahag­i pa ni Willie.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines