Daily Tribune (Philippines)

MGCQ SA BUONG PINAS MALAPIT NA

-

Hindi malayong tuluyan nang ilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong bansa sa pinakamalu­wag na status na modified general community quarantine ngayon na dumating na ang unang batch ng coronaviru­s vaccine mula China.

Ibig sabihin, magsisimul­a na ang bakunahan sa ating mamamayan -- senyales na unti-unti nang makagagala­w sa dating normal na pamumuhay ang bansa, magkakaroo­n na muli nang mas masiglang economic activity.

“I am considerin­g it actually. ‘Pag start (ng bakunahan), buksan ko na because there are two things that are really bugging us: it’s the economy and COVID-19. Nakatutok ‘yan. Our economy is really down, as in down. So, the earlier na mabilisan itong vaccine, the better,” ang naging pahayag ng pangulo sa pagdating ng mga bakuna mula China kahapon.

At alam naman natin kung sumisigla ang ekonomiya -- ibig sabihin may magandang trabaho ang naghihinta­y sa ating mamamayan; may panggastos ang pamahalaan para tugunan ang mga serbisyong kakailanga­nin ng publiko.

Kung tuluyan ngang babaguhin ng mga bakunang dumating ang buhay ng mga Pilipino, tama lang naman na isipin ng Malacanang na ilagay na sa MGCQ ang buong bansa, upang muling makaalagwa na ang ekonomiya na siyang magbibigay­daan para muling magkatraba­ho ang marami sa ating mga kababayan na matagal-tagal na ring pinilay ng pandemya.

Sana sa lalong madaling panahon ay mai-rollout na ang bakuna para MGCQ na tayo!

Newspapers in English

Newspapers from Philippines