Daily Tribune (Philippines)

BEA ALONZO, PINAYUHAN NI IAN V.

- Ni John Paul Francisco

Nakakatuwa ang latest vlog ng aktres na si Bea Alonzo kung saan kasama niya ang aktor at dating leading man niyang si Ian Veneracion dahil marami talaga silang napag-usapan lalo na pagdating sa lovelife.

Mula sa kung paano ang magiging approach sa pagpapakil­ala ng isang lalaki sa isang babae hanggang sa mga bolahan ang naging takbo ng pag-uusap ng dalawa, at may pahaging pa ang aktres na hindi niya boyfriend si Dominique Roque tulad ng inaakala ng lahat. Napag-usapan rin ng dalawa ng history ng isa’t isa sa pag-aartista.

“Alam mo na-realize ko kanina, ang tagal-tagal mo na palang artista ‘no? Naging child star ka, tapos matinee idol. Oh my God! May nakita akong movie mo (Zaldong Tisoy),” sabi ni Bea.

“Bakit tawang-tawa ka (sa title), uso ‘yun dati Alyas Baby Face. That’s my first action movie, mga title, di ba? Boy Praning, Utak Pulbura,” sagot naman ni Ian.

“Never akong (nagpaseksi), merong culture rati na kapag leading lady mo liligawan mo. Ever since all in my action movies lalo na I treated all my leading ladies with respect and as profession­als. We don’t have anything personal,” dagdag pa ng aktor.

“But I’m sure you’ve seen people na directors and assistant directors. Ngayon kasi mas aware ka na all the things are not acceptable or dapat hindi ka pumapayag although hindi naman nangyari sa akin pa. Like ang dami kong na-witness na mga babaeng ayaw mag-two piece or ayaw maghubad sa isang love scene but then parang sisigawan ng direktor as if they did something wrong,” sabi naman ni Bea.

Nabanggit pa na karamihan sa mga lalaking artista noon na kahit ayaw nila ay kailangan nilang gawin pero may iba ring hindi talaga nagpapadik­ta.

“Of course if you’re not comfortabl­e doing it, you’re not comfortabl­e and it’s non-negotiable dapat. Pero ako, it has been a liberating experience when I finally realized that a certain period of my life na parang at some point, I don’t care of what you think of me. If this person thinks I’m an asshole or not it does not affect me. Okay bahala ka na,” paliwanag ni Ian.

Inamin naman ni Bea na hangang-hanga siya sa aktor lalo na sa pagiging tatay nito na ipinagpasa­lamat naman ng huli dahil maski paano pala ay may nagustuhan sa kanya ang dalaga.

At sa tanong ni Bea kung kailangan na niyang mag-asawa sa edad niyang 33 ngayon, ang diretsong sagot ni Ian, “No!”

“No? I shouldn’t?” tanong uli ng dalaga.

“I think you should have a kid,” payo ng aktor.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga, “But not get married, why?”

“Yeah, sabi nga ng kaibigan ko, ‘kung gusto mo ng bacon, hindi mo kailangang bitbitin ‘yung buong baboy,” say ni Ian.

At nagkatawan­an ang dalawa, “Doon ka na sa best part,” saad ng aktres

“Ako I say this with most sincerity and care for you, I really think that a child would improve the quality of your life, a marriage wouldn’t. Based on what I know about you and how I know you,” paliwanag ni Ian sa kaibigang aktres.

Sa mga pahayag na ito ng aktres ay maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi sila magdyowa ni Dominic dahil kung sila na talaga ay hindi niya masasabi ang lahat ng ito sa kanyang vlog.

Tsuk!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines