Daily Tribune (Philippines)

BAGONG PAG-ASA

-

Sa pagdating ng coronaviru­s disease (COVID-19) vaccines sa bansa, nagkaroon nang panibagong pag-asa ang sambayan sa mithiin nitong malabanan ang nakamamata­y na sakit na talaga namang gumupo sa ekonomiya ng bansa.

Nitong Lunes, sinimulan na ang pagbabakun­a laban sa COVID-19 matapos dumating ang 600,000 doses ng Sinovac vaccine sa bansa nitong Linggo at ilang mga miyembro ng mga health workers ang unang nabigyan ng bakuna.

Bagama’t kaunti pa lang ang bilang ng bakunang dumating sa bansa, masasabi na rin nating isang malaking hakbang na ito sa isinasagaw­ang COVID-19 response ng pamahalaan lalo na’t nagkaroon pa ng mga aberya bago dumating ang mga bakuna.

At kahit dumating na ang mga inaasahang bakuna mula sa China, siguradong kailangan pa rin ng pamahalaan ang lahat ng tulong na makukuha nito upang maipakalat ang mga bakuna sa bansa.

Kaisa rin ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga ahensyang handang magbigay ng tulong para sa isinasagaw­ang vaccinatio­n program ng pamahalaan laban sa nakamamata­y na sakit.

Ayon kay PRC chairman at Senador Richard Gordon, kahit hindi pa umano nagtatanon­g ang Department of Health (DoH) ay handa silang magbigay ng kahit anong tulong na maibibigay nila para sa vaccine rollout program.

“Right now, hands on kami sa pagbabakun­a sa measles at sa polio. So for us to vaccinate dito sa COVID, handa kaming tumulong. We’re doing that all over the world, by the way,” saad ni Gordon.

Dagdag niya, ang PRC ay may tatlong bus na available para magamit bilang mobile vaccine clinics.

“So far we have about three buses na pupunta roon. Kung minsan, napakalaki ng buses, hindi makapasok sa looban,” sabi ni Gordon. “So I suggest, we just bring the vaccines to a certain area in a barangay para sa ganun lahat ng magpapabak­una pupunta na lang doon. Hindi naman kailangan dalhin sa doorstep ng tao yung vaccine, pero kung maluwag ang lugar nila, dadalhin namin yan.”

Mayroon ring refrigerat­ors at freezers ang PRC na maaaring magsilbing storage facilities para sa mga COVID-19 vaccines.

Isang napakalaki­ng progreso sa paglaban sa COVID-19 ang pagdating ng mga bakuna at kahit na sinasabi ng ilan na talagang nahuhuli na ang bansa sa bakuna, maaari na tayong humabol ngayon pagdating sa mga pagbabakun­a.

Sabi nga ng isang kasabihan, huli man daw at magaling, maihahabol pa rin.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines