Daily Tribune (Philippines)

ISANG MILYONG DOSES NG SINOVAC, BIBILHIN NG PAMAHALAAN – GALVEZ

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Inihayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. nitong Lunes na bibili umano ang Pilipinas ng isang milyong doses ng Sinovac vaccine na nagkakahal­aga ng P700 milyon sa loob ng buwan ng Marso.

Ayon kay Galvez, nagkaroon umano ng global shortage ng ibang brands ng coronaviru­s disease (COVID-19) vaccine at tanging Sinovac na mula China at Sputnik V na mula sa Russia ang mayroon sa kasalukuya­n.

“Kaya po tayo, mayroon tayong procuremen­t this coming March, mayroon po tayong one million from Sinovac,” saad ni Galvez.

“May PO tayo na one million. Ang ginagawa kasi natin, ang agreement natin sa Sinovac, iyong per PO, ibig sabihin iyong Purchase Order, iyong Purchase Order na one million, mayroon na po tayong pondo doon. Ang pondo po natin doon is P700 million,” dagdag niya.

Ang Sinovac – na dalawang beses ang pagturok – ang siyang available na COVID-19 vaccine brand sa bansa kung saan dumating na noong Linggo ang 600,000 doses ng nasabing bakuna.

“So once na napirmahan na po namin iyon, dadating po ang one million doses this coming March po, in tranches po. Nakita po natin iyong 500,000 [doses] ay [isasakay sa] isang malaking eroplano po iyon, so in two tranches po iyon,” sabi ni Galvez.

Ipinaliwan­ag rin ng vaccine czar na ang mga supply agreements sa ibang COVID-19 vaccine brands gaya ng Moderna, Johnson and Johnson at Novavax ay pending pa rin umano.

Bukod sa Sinovac, ang ibang vaccine brands na inisyuhan ng emergency use authorizat­ion ng Food and Drug Administra­tion (FDA) sa bansa ay ang Pfizer-BioNTech at AstraZenec­a.

Sinabi rin ni Galvez na ang Pfizer-BioNTech and AstraZenec­a COVID-19 vaccine supply na magmumula sa COVAX facility ay hindi pa maidideliv­er dahil sa limitadong supply.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines