Daily Tribune (Philippines)

KRIS BERNAL, AYAW NG BONGGANG KASAL

- NI LARS ALEXANDERS­SON

Mga mars, mukhang final na talaga ang desisyon ng aktres na si Kris Bernal at ang kanyang soon-to-be husband na si Perry Choi na huwag nang magdaos ng isang engrande at bonggang kasal.

At kahit tuluy-tuloy pa rin ang ginagawang preparasyo­n ng future husband and wife para sa kanilang kasal, inamin nilang marami silang realizatio­ns habang naghahanda sa kanilang big event.

“Hindi talaga madali ang mag-prepare ng kasal sa gitna ng pandemya dahil napakarami ngang bawal at kailangang i-reconsider para masigurong magiging ligtas ang lahat ng dadalong bisita,” sabi ni Kris.

Sa isa niyang Instagram story, sinabi rin ng aktres na hindi na kailangan ng “fancy wedding” lalo na ngayong may krisis.

“The lesser the guests, the lesser the cost! Lol!” saad ni Kris. “I’ll admit it sounds pretty miserable – but don’t spend fortunes on ever more extravagan­t weddings. This pandemic has taught us to save more.”

“Ours will not be as bongga as how I planned it pre-pandemic. We decided to allot more for the future like our house constructi­on and businesses,” dagdag pa niya.

Kung matatandaa­n, nag-propose si Perry kay Kris noong February, 2020, ilang linggo bago ipatupad ang lockdown sa bansa dahil sa COVID-19. Naurong ang date ng kanilang kasal dahil natigil din ang kanilang wedding preparatio­n.

Samantala, bilang bahagi ng kanyang pakikiisa sa Internatio­nal Women’s Month, nag-post ng isang “fierce photo” si Kris sa IG kalakip ang isang message of empowermen­t para sa mga kababaihan.

“Always flexin’ in my photos but my real flex in life is how many people’s lives I can positively impact. I know most of my followers are female/women. Here’s an advice from a tiger,” sabi ni Kris sa caption.

“Stay wild, we weren’t trained to be (tamed.) While by staying wild, I want you to know that we are sisters in everything and while we are each other’s competitio­n, we can and should be each other’s biggest fans and supporters!” dagdag niya.

Kung saan kayo masaya, happy na din kami!

Char!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines