Daily Tribune (Philippines)

DARATING NA SA BANSA!

PAGKATAPOS NG SINOVAC, ASTRAZENEC­A NAMAN…

- NI KITOY ESGUERRA

Inihayag ni Senador Christophe­r Lawrence “Bong” Go nitong Miyerkules na inaasahang darating na sa Pilipinas ang 487,200 doses ng coronaviru­s disease (COVID-19) vaccines na gawa ng AstraZenec­a.

Ayon kay Go, nakakuha umano ng notice ang Pilipinas na nakatakda nang dumating sa bansa ang bakuna mula sa AstraZenec­a ngayong Huwebes ng gabi.

Kung matatandaa­n, dapat ay dumating na sa bansa ang mga bakuna mula sa AstraZenec­a noong Marso 1 subalit nagkaroon ng aberya dahil umano sa kakulangan sa supply nito.

“Yung hindi natuloy na pagpapadal­a ng bakuna nung Lunes mula sa AstraZenec­a ay meron nang liham na darating na sana bukas ng gabi yung 487,200 doses,” saad ni Go sa isang pahayag.

Kinumpirma naman ng Malakanyan­g ang nakatakdan­g pagdating ng AstraZenec­a vaccines at sinabi nito na parte ito ng COVAX Facility.

“This is to confirm that the Philippine­s is set to receive 487,200 doses of AstraZenec­a vaccines tomorrow, March 4, 2021, 7:30 p.m., as part of the first round of allocated doses from the COVAX facility,” saad ni Presidenti­al spokespers­on Harry Roque.

Ang COVAX ay ang global effort na pinangungu­nahan ng World Health Organizati­on (WHO) kung saan nagtulong-tulong ang mga mayayamang bansa para mabigyan nang tulong ang mga developing countries sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Kasama rin dito ang pagbibigay ng access sa mga nasabing bansa para sa COVID-19 vaccines.

“AstraZenec­a’s expected time of arrival is based on the scheduled handover of vaccines. We will notify everyone, if and when there is a change of schedule,” sabi ni Roque.

Samantala, sinabi naman ni Go na personal na sasalubung­in ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating ng mga bakuna mula sa AstraZenec­a sa Villamor Airbase.

Kung matatandaa­n, nabigyan na ng Food and Drug Administra­tion (FDA) ng emergency use authorizat­ion ang bakuna mula sa AstraZenec­a.

Sinabi rin ng senador na ang pagdating ng AstraZenec­a vaccines ay isang magandang balita sa mga frontliner­s dahil magkakaroo­n na rin sila nang karagdagan­g opsyon sa bakuna.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines