Daily Tribune (Philippines)

ANGELICA AS SUGAR MOMMY?

- NI JOHN PAUL FRANCISCO

Napipictur­e out niyo ba ang aktres na si Angelica Panganiban bilang isang “sugar mommy”?

Si Angelica mismo, parang 50-50 pa kung gagawin niya nga yun o hindi.

“’Pag tanda ko, magiging sugar mommy ako sa mga bagets? Oh my gosh! Pero well, kung du’n ako sasaya, why not?” sabi ni Angelica sa kanyang pinakahuli­ng vlog.

“Kung marami akong pera, why not? E ‘di go. Pero sana naman talaga makatagpo ako ng love na ‘yung talagang mahal namin ‘yung isa’t isa, ‘yung ‘di lang pera ang gusto sa akin,” dagdag niya.

At may advice rin ang aktres sa mga sugar babies.

“Dapat may respeto ka pa rin sa sarili mo dahil pag ‘yan ang nawala magpo-fall apart na ang buhay mo,” sabi ni Angelica.

Ang tinutukoy ng aktres na “sugar baby” ay ang mga taong mas pinili ang pera o ang karangyaan sa buhay kesa sa tunay na pagmamahal tulad ng karakter niya sa pelikula nila ni Coco na “Love Or Money.”

Nauna nang sinabi ni Angelica na mas mahalaga sa kanya ang pag-ibig kesa sa pera ngunit hindi raw niya hinuhusgah­an ang mga pumapayag maging “sugar baby” sa isang relasyon.

“Kung ‘yan ang happiness mo, ‘yan ang happiness mo. Kung du’n sila masaya, at peace sila dun sa ginagawa nila pero siguraduhi­n mo lang na alam mo ‘yung pinapasok mo,” paliwanag ni Angelica.

“Ang number 1 rule lang naman d’yan dapat may respeto ka pa rin sa sarili mo. Pag ‘yun kasi ang nawala parang magpo-fall apart na ‘yung buhay mo, ‘yung sarili mo. Kapag hindi mo kayang respetuhin ang sarili mo, mahirap din talagang respetuhin ka ng ibang tao kasi ‘di mo alam ‘yung worth mo,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Angelica na karamiham sa mga ganitong klase ng relasyon ay hindi rin tumatagal.

“Dapat ini-invest mo ‘yung nakukuha mo kasi pinaghihir­apan mo ‘yun. Para na rin siyang career, ‘yung pagiging sugar baby. Kailangan wise ka kasi baka walang forever du’n,” sabi pa niya.

Tsuk!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines