Daily Tribune (Philippines)

VACCINE FOR ALL IN MAKATI CITY

- ALVIN ROSALES MURCIA

Hindi lamang ang mga residente ng Makati City ang puwedeng mag-avail ng libreng bakuna laban sa COVID-19 kundi maging ang mga hindi residente ngunit nagtatraba­ho sa lungsod. Ganito sila sa Makati! Hindi ba mga brad, iba talaga itong si Makati City Mayor Abby Binay, kung saan tumatagint­ing na P1 bilyon ang inilaan ng lungsod para masiguro na ang lahat ng residente ng Makati ay mabakunaha­n at masigurong ligtas at malusog ang lahat.

Hindi naman nakakapagt­aka na makapaglaa­n ang lungsod ng ganito kalaking budget para sa bakuna dahil ang lungsod pa rin naman ang pinakamaya­man sa buong bansa.

Ang libreng bakuna at paglalaan ng sapat na budget ay para tiyakin na walang gagastusin ang bawat Makatizen na mabibigyan ng bakuna. Ito ay sa ilalim ng “Libre. Ligtas. Para sa lahat.”

Hindi pa man dumarating ang mga paunang vaccine sa bansa ay meron nang negosasyon ang mga piling opisyal ng Makati City kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. at sa COVID-19 Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagbili ng bakuna at ang gagawing proseso para sa citywide inoculatio­n.

Bongga po ‘di ba? Numero uno kasing prayoridad ng lungsod sa taong 2021 ag kalusugan at kaligtasan ng mga residente nito at dapat aniya bawat isang Makatizen ay makatangga­p ng doses ng coronaviru­s vaccine for free to protect them and their families against the virus.

Napansin po natin na seryoso ang lungsod dahil maging ang mga konsehal ng lungsod ay nagbabahay bahay para ipaalam ang kahandaan na bigyan sila ng libreng bakuna kapag ito ay available na.

Ang nasalubong po natin ay itong si Konsehal Dennis Almario na may monicker na ‘Alden’ na kinakausap nitong nakaraang Martes ang mga tao at sinabing stay safe at darating na ang bakuna na libre para sa kanila.

Siguro iisipin niyo, lagalag po tayo mga brad… nagkataon lang na residente rin ako ng Makati kaya nakita ko ang ginagawa nila sa mga mamamayan.

Well, hindi naman nawawala ang bumatikos kasi kasama iyan sa flavor ng pulitika. ‘Ika nga eh, “We cannot please everybody” kaya para huwag tayong mastress, hayaan po natin sila kasi malaki rin naman din ang mapupulot natin sa kanila at hindi tayo magiging pakaang-kaang sa paglilingk­od sa publiko.

Remember, ang serbisyo publiko po ay 24 hours kaya kapag andiyan ka na eh kalimutan mong tumanggi kapag meron lumapit sa iyo di ba. Pero tingnan din ninyo kung ang lumalapit ay tunay na nangangail­angan o mandurugas lamang. Ha Ha…

O siya, stay safe and healthy po tayong lahat at God bless!

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines