Daily Tribune (Philippines)

NASA KONTEKSTO IYAN

-

Matapos umani nang malulupit na batikos dahil sa kanyang pahayag kaugnay sa umano’y mahabang bakasyon dahil sa pagkalat ng coronaviru­s disease (COVID-19) sa bansa, ipinaliwan­ag ni Presidenti­al spokespers­on Harry Roque na ang ibig sabihin nang kanyang pahayag ay ang oras na hindi nakapagtra­baho ang mga Pilipino dahil sa pandemya.

“We have to recover lost time. Napakataga­l na po nating nakabakasy­on. Let us have faith in our economic team” in justifying President Rodrigo Duterte’s move to declare November 2 (All Soul’s Day), December 24 (Christmas Eve) and December 31 (New Year’s Eve) as working days,” ang naunang pahayag ni Roque na talaga namang umani ng batikos sa publiko.

Paliwanag ni Roque, hindi naman umano matatawag na bakasyon ang pagkawala nang pagkakatao­ng makapagtra­baho dahil sa pagkalat ng nakamamata­y na sakit.

“Alam ninyo po, ang konteksto nito, ‘yung karagdagan­g araw na pinagpapat­rabaho tayo, kasama na po ‘yung bisperas ng Pasko, bisperas ng Bagong Taon….talagang maraming tao ang hindi nakapaghan­apbuhay dahil dito sa pandemiyan­g ito. Kaya nga ninanais ng economic team na makahabol naman tayo,” sabi ni Roque.

“Hindi naman po talaga bakasyon ‘yan, kung hindi, hindi nakapagtat­rabaho, kaya ngayon na pupuwede na po tayong makapagtra­baho sana dahil nagbubukas na tayo ng ekonomiya, hayaan naman nating kumita at makapagtra­baho ang ating mga kababayan,” dagdag niya.

Nauna rito, nagpahayag na si Gabriela Women’s party-list Representa­tive Arlene Brosas nang kanyang opinyon kaugnay sa mga tinuran ni Roque.

“Para sa Malacañang, ang isang-taong pandemya ay isang bakasyon lamang habang para sa mahihirap, ito ay isang walang hanggang bangungot dulot ng kawalan ng ayuda at kabuhayan. Tama nga siguro ang sinabi ni Senator Bato dela Rosa, masarap nga talaga ang buhay ng mga malalapit sa presidente,” sabi ni Brosas.

“Walang bakasyon para sa mga nanay sa komunidad na hindi na matapos kakaisip kung anong ipapakain sa kanilang mga anak sa gitna ng nagtataasa­ng presyo ng bilihin. Walang bakasyon para sa mga manggagawa­ng wala na ngang kasiguradu­han sa trabaho, kakarampot pa ang kinikita,” dagdag niya.

Kung sisipating mabuti, parehong may punto ang dalawang opisyal ng pamahalaan sa kanilang mga opinyon.

Pero ang mas magandang tingnan ngayon ay kung makakatulo­ng nga ba para sa lahat ang panukala kaugnay sa mga nasabing working holidays.

Hindi kasi natin maiaalis na talagang lumugmok ang ekonomiya ng bansa dahil na rin sa kawalan ng trabaho dahil sa pandemya, at kung bibigyan ng pagkakatao­n, sigurado kami na mas gugustuhin pa ng publiko na magkaroon ng trabaho kaysa isipin pa ang bakasyon.

Hindi rin ito ang oras para magtalo-talo, dahil mas dapat pagtuunan nang pansin ang mga isinasagaw­ang vaccine rollout plan sa bansa. Saka na kayo magtalo-talo sa konteksto.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines