Daily Tribune (Philippines)

SI DUTERTE ANG BAHALA SA BAKUNA NIYA – PALASYO

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Inihayag ng Malakanyan­g nitong Huwebes na ang edad at posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbibigay ng posisyon sa kanya upang makapamili kung anong bakuna laban sa coronaviru­s disease (COVID-19) ang kanyang ipapaturok sa sarili.

Ayon kay Presidenti­al spokespers­on Harry Roque, malayang makakapami­li kung anong brand ng bakuna ang gagamitin ng Pangulo dahil una sa lahat ay siya ang pinakamata­as na lider ng bansa at kasunod naman noon ang kanyang edad na lampas 70 years old.

“I think the President is a president, and because he is over 70 years old,” sabi ni Roque. “Kung masusunod talaga, hindi talaga dapat magpabakun­a pa si Presidente dahil hindi pa tapos ang mga medical frontliner­s.”

Dagdag pa ng tagapagsal­ita ng Palasyo, mas gusto ng Pangulo ang isang Chinese brand na hindi pa available sa Pilipinas dahil naghihinta­y pa rin ito ng emergency use authorizat­ion (EUA).

“However, I will ask if he will consider AstraZenec­a because in other countries, wala naman limitation on the use of AstraZenec­a,” saad ni Roque. “But let’s wait po for the actual arrival of AstraZenec­a kasi (because) right now, everything is speculativ­e.”

Ang Pangulo ay may mga underlying medical issues kung kaya naman isa siya sa mga vulnerable sa COVID-19.

Noong nakaraang taon, sinabi ng Pangulo na at risk siya sa pagdevelop ng cancer dahil sa Barrett’s esophagus o ang pamamaga ng tubong nagkokonek­ta sa bibig at sikmura.

Sinabi rin ni Duterte na nakakarana­s rin siya ng back pains, migraines at mayroon umano siyang Buerger’s disease.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines