Daily Tribune (Philippines)

RABIYA MATEO, READY TO RUMBLE!

- NI LARS ALEXANDERS­SON

Mga mars, ready to rumble na ang Filipina beauty queen na si Rabiya Mateo sa gaganaping Miss Universe 2020 sa Amerika sa susunod na buwan at nasa United States na ngayon ang dalaga para sa kompetisyo­ng gaganapin sa Hollywood.

Nitong Biyernes lumipad patungong US si Rabiya kasama ang kanyang glam team kabilang na ang creative director ng Miss Universe Philippine­s na si Jonas Gaffud.

Sasabak na sa pre-pageant activities ang 80 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo bilang unang hakbang sa pagsungkit sa Miss Universe crown at ayon kay Rabiya, matinding training at paghahanda ang pinagdaana­n niya para ibandera muli ang Pilipinas sa internatio­nal beauty pageant.

“Alam ko sa sarili na binuhos ko po lahat ng lakas ko at pinaghanda­an ko po talaga ito. Sana in the coming days maiuwi natin ‘yung ikalimang korona para sa bansa,” sabi ni Rabiya.

“Ibubuhos ko ang lahat ng lakas sa laban na ito at taas noo kong sasabihin, ‘Ikinararan­gal kong maging modernong Pilipina sa isip, sa puso, sa diwa, sa salita at sa gawa.’ Mabuhay ang gawang Pilipino!” dagdag niya.

Agaw-eksena rin ang outfit of the day ni Rabiya nang umalis siya sa bansa nitong weekend – isang modern Barong Tagalog-inspired na puno ng daan-daang crystals, sequins at pearls na gawa ng fashion designer na si Chino Christophe­rson habang ang kanya namang custom-made high-waisted trousers ay gawa ni Marc Rancy.

Ang printed blazer naman na suot ni Rabiya ay mula sa fashion designer na si Nono Palmos.

“I’m very thankful to my stylists, Em and Rain, for helping me in packing all my clothes. It’s really hard to do such thing pero dahil passion talaga nila ito at ginagawa din nila para sa bayan, they were able to help me. And sa lahat ng mga designers all over the country, mula Luzon hanggang Mindanao, tumulong po sila. They were able to give me a lot of amazing clothes,” sabi ni Rabiya.

Sa ngayon, apat na ang Miss Universe crown ng Pilpinas — sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018).

Good luck Rabiya! Char!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines