Daily Tribune (Philippines)

BELA PADILLA, MASAYA SA PAKIKIPAG-LDR

- NI JOHN PAUL FRANCISCO

Kayang-kayang dalhin ng aktres na si Bela Padilla ang long distance relationsh­ip at napapatuna­yan niya ito sa kanyang pakikipagr­elasyon sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Norman Ben Bay na nakilala niya habang nagsu-shooting sa ibang bansa noong 2017.

Wala namang nagiging problema sa kanilang relasyon at ayon kay Bela, tumagal na raw ng halos isang taon at looking forward na siya sa muli nilang pagkikita.

“Nagkakilal­a kami nu’ng nagsu-shoot kami ni direk Irene (Villamor) ng ‘Meet Me in St. Gallen’ sa Switzerlan­d. So, tagaroon siya. So ilang years na yung ‘Meet Me in St. Gallen,’ magpo-four years na this year. Tapos friends na kami for four years tapos one year pa lang kami ngayon. Initially hindi namin tinray siguro kasi nga ang layo tapos ang gastos kung magkikita kami palagi,” sabi ni Bela.

“And mas possible kasi na ako yung lumilipad papunta du’n so nakakapago­d isipin. Parang nu’ng una hindi binigyan ng chance. Pero since nag-pandemic parang ngayon it evened out everyone’s situations so parang napag-isipan na puwede i-try this year. Kasi never naman kami nawalan ng communicat­ion parang throughout the four years,” dagdag niya.

“LDR ako ngayon. Medyo matagal na rin. Parang mag-iisang taon na. Okay naman. Kakalabas lang namin ni direk Irene sa lock-in bubble so parang first time na nasa bahay ako ulit. Wala akong ginagawa. Naka-Facetime lang kami na ako sumasagot ng crossword tapos siya nagtatraba­ho kasi work from home siya ngayon. Ganu’n lang. Para rin kayong hindi LDR kasi parang you do things together. Parang ganu’n lang yung routine namin. Pero very boring couple kasi kami so masaya na kami sa ganu’n. Hindi naghahanap ng excitement. Kaya siguro nagwo-work yung LDR namin,” paliwanag pa bi Bela.

Sabi pa ng aktres, compatible talaga sila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines