Daily Tribune (Philippines)

EPEKTIBO NGA BA?

-

Heto na nga, isinailali­m na sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal matapos ang dalawang linggong pagpapatup­ad ng enhanced community quarantine (ECQ).

MECQ rin sa Santiago City, Isabela, Quirino province at Abra na tatagal hanggang sa katapusan ng Abril.

Ang Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Quezon province, Tacloban City, Iligan City, Davao City at Lanao Del Sur naman ay isasailali­m sa general community quarantine (GCQ) hanggang Abril 30.

Para sa ibang lugar sa bansa naman, modified GCQ ang iiral.

Sa pagpapatup­ad ng MECQ, may ilan nang magbubukas na establisiy­emento upang pabangunin muli ang ekonomiya, pero may paghihigpi­t pa rin sa mga lumalabas sa bahay na hindi naman kailangan.

Limitado pa rin ang public transporta­tion. Pero sa dalawang linggong ECQ sa tinagurian­g NCR Plus bubble, may nangyari bang pagbabago?

Nitong Sabado lang, lampas 12,000 ang naitalang kaso ng coronaviru­s disease (COVID-19) sa bansa kahit pa patuloy ang pagpapatup­ad ng ECQ sa mga lugar na may mataas na kaso ng nakamamata­y na sakit.

Nitong Linggo, nasa lampas 11,000 naman ang naitalang kaso ng COVID-19 at sa tingin namin, maaaring pumalo sa isang milyong kaso ng COVID-19 ang maitatala bago matapos ang buwan ng Abril.

Patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 kahit pa nagkakanda­rapa na ang pamahalaan upang gumawa ng mga hakbang upang pigilan ang pagtaas ng kaso at balansehin ang ekonomiya ng bansa.

Nakapagbig­ay nga ng ayuda para sa mga maralita nating kababayan sa NCR Plus bubble na naapektuha­n ng ECQ, pero sapat nga ba yun para maibsan ang paghihirap nila?

Sa ngayon siguro, hindi pa natin makikita kung epektibo nga ba ang dalawang linggong ECQ na ipinatupad, kung talaga bang nakatulong ito sa pagbaba ng mga maitatalan­g kaso ng COVID-19.

At dahil isinailali­m na sa MECQ ang NCR Plus bubble, mas makakatulo­ng nga ba ito sa pagpigil sa pagtaas ng mga COVID-19 at sa pagbuhay muli ng ekonomiya?

Iyan ang aabangan natin sa mga susunod na araw, pero sa ngayon, mas makabubuti kung patuloy pa rin tayong susunod sa mga inilatag na health at safety protocols ng pamahalaan.

Kailangang triplehin ang pag-iingat.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines