Daily Tribune (Philippines)

EPEKTIBO YUN!

OCTA, KAMPANTE SA DALAWANG-LINGGONG ECQ…

-

NI KITOY ESGUERRA Inihayag ng OCTA Research Group nitong Lunes na ang ipinatupad na dalawang-linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ay epektibo umano sa pagpapabab­a ng kaso ng coronaviru­s disease (COVID-19).

Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, maaaring makita ang pagbaba ng mga maitatalan­g kaso ng COVID-19 sa susunod na linggo na siya umanong epekto ng pagpapatup­ad ng ECQ nitong Mahal na Araw kasama na ang extension nito.

Dagdag niya, ang COVID-19 reproducti­on rate sa tinagurian­g NCR Plus bubble ay bumagal mula sa 1.88 patungo sa 1.24 matapos ipatupad ang 14-day strict lockdown.

“Effective naman ang ECQ kasi nakita nating bumaba ang reproducti­on number sa NCR... Di pa masasabing nagfa-flatten na ang curve kasi 1.24 pa ang reproducti­on number pero may ilang lungsod sa Metro Manila na pababa na katulad ng Pasay at Marikina bumababa na ang cases doon,” saad ni David.

Nitong Linggo, isinailali­m na ang NCR Plus bubble sa modified ECQ na tatagal hanggang sa katapusan ng Abril.

“Nakikita natin magpapatul­oy ang trend, we’re hoping bumababa na siya to 1 by next week, by Sunday,” ani David.

Ang Department of Health (DoH) naman, sinabing ang epekto ng ECQ ay mararanasa­n dalawang linggo mula ngayon.

“The hope would be because of all of these measures that we are doing, in about 2 weeks’ time we will see the decline in the number of cases,” sabi ni DoH spokespers­on at Undersecre­tary Maria Rosario Vergeire sa isang panayam.

Paliwanag pa niya, ang pagpapatup­ad ng MECQ ay kasunod nang isang cost-benefit analysis na mula sa National Economic and Developmen­t Authority.

“So we can be able to manage better and focus our response to other sectors where people are losing income and do not have money anymore to buy food,” sabi ni Vergeire. “Just because we shifted to MECQ that we’re not going to implement measures, we’re stepping up measures in different response strategies we are having and local government­s are stepping up their efforts.”

Samantala, hinimok naman ni David ang publiko sa patuloy na sundin ang health protocols dahil mas nakakahawa na umano ang mga bagong COVID-19 variants.

“Mas malala itong spike na ito, umabot na tayo ng 5,000 cases sa NCR. Nung August, 2,000 cases lang, 2,400, hindi tayo lumagpas ng 3,000 sa NCR,” saad ni David.

“Nakita natin mas maraming nahawa din na 0-17 (years old), dahil dito nga sa nakikita natin, ‘yung mga variant, mas nakakahawa sila at mas infectious pati sa mga minor.”

Newspapers in English

Newspapers from Philippines