Daily Tribune (Philippines)

1.5M NA BAKUNA, DARATING NA!

VACCINE PROGRAM NG GOBYERNO, TULOY ANG TAKBO…

- Ni Kitoy Esguerra

Inihayag ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. nitong Martes na may darating na 1.5 milyong bakuna mula sa Sinovac Biotech bago matapos ang Abril upang maipagpatu­loy ng pamahalaan ang inoculatio­n drive nito.

Ayon kay Galvez, darating ang 500,000 coronaviru­s disease (COVID-19) vaccine sa Abril 22 habang ang kasunod na 500,000 na bakuna mula Sinovac ay darating sa bansa sa Abril 29.

Kung matatandan, nakakuha na ang Pilipinas ng 500,000 bakuna mula sa Sinovac nitong Linggo.

Darating din ang 500,000 na Sputnik V vaccines mula sa Gamaleya sa Russia ngayong buwan.

“Sa ating April deliveries, on time pa rin po ang 2 million na delivery natin,” saad ni Galvez.

Sinabi rin ni Galvez na may inaasahan pang 30 hanggang 40 milyong bakuna na magmumula naman sa Pfizer. Kung matatandaa­n, dapat ay noong Pebrero idideliver and bakuna mula Pfizer pero nagkaroon ito ng aberya.

“Nagkaroon po tayo ng renegotiat­ion with Pfizer,” ani Galvez. “Tinitingna­n po natin na baka magkaroon ito ng magandang kaganapan dahil nagkaroon naman po ng favorable… comment ang ating DOJ for the indemnific­ation at saka immunity clause.”

Ayon sa kalihim, maaaring dumating sa third o fourth quarter ng taon ang mga bakuna galing sa Pfizer.

Dagdag niya, maaari na ring mabakunaha­n ang publiko kung sakaling maging stable na ang supply ng bakuna sa Hulyo.

“This coming July, ‘pag mayroon na tayong secure and stable supply, maaari na nating bakunahan ang general public starting in July,” sabi ni Galvez.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines