Daily Tribune (Philippines)

DAPAT MAGING DECISIVE ANG PAMAHALAAN

- ALVIN ROSALES MURCIA

Mainit ang balitaktak­an sa ngayon kung puwede nga ba o hindi ang Ivermectin capsule para panggamot sa coronaviru­s disease (COVID-19).

Kontra siyempre ang Food and Drug Administra­tion (FDA) at ang Department of Health (DoH) dahil hindi naman daw pa ito nag-apply para sa pormal na clinical trial pero ang siste ay may back-up ito ng isang samahan ng mga doctor.

Maging si dating Senate President Juan Ponce Enrile ay nakisali na rin at may

FB post na hawak niya ang kapsula ng Ivermectin na tila ba ineendorso niya ang paggamit nito.

Ang sabi ng FDA gamot ito sa hayop lalo na sa pangangati at hindi ito dapat na gamitin para sa tao. Pangkabayo lamang daw ito at iba pang hayop.

Eto ang sabi ng FDA, hindi pa nila aprubado ang animal drug para gamutin ang viral infections sa mga tao ngunit, eto ha, may pasubali, ang sino man umano na gustong gumamit nito ay kelangan mag-apply “for a compassion­ate special permit.”

Ano ang ibig sabihin nito?

Kung meron kang compassion­ate special permit okay lamang na gamitin kahit wala pa itong clinical trial? Malabo di po ba, pero ang mga backer nito ay tiwala na epektibo ito laban sa virus na kalat na sa buong mundo at mas mura pa itong ‘di hamak kumpara sa mga bakuna na ginawa ng mga multinatio­nal drug companies.

Kung hindi po tayo nagkakamal­i ay P35 lamang ang isang kapsula nito, kaya talagang mura lalo na at maraming mahihirap na nangangail­angan ng gamot para mapuksa ang kanilang impeksiyon laban sa COVID-19.

Kontra din ang World Health Organizati­on (WHO) sa paggamit ng Ivermectin laban sa COVID-19, siyempre sila ang timon kung sinong bansa ang bibigyan ng bakuna at kung ilan at mahigpit pa ang kanilang regulasyon.

Nagtataka naman tayo mga brad, bakit hindi subukan ang trial at kung meron ng existing trial ay bakit hindi bilisan para mabigyan ng lunas hanggat maaga ang tinamaan ng virus?

Nakakainis kasi, debate ng debate samantalan­g delayed na nga ang dating ng bakuna kaya nabibinbin ang mass vaccinatio­n.

Laging sinasabi ng mga kontra na harmful daw umano ito sa kasalukuya­n dahil walang statistica­lly significan­t evidence of efficacy against the new coronaviru­s disease. Bakit hindi ninyo testingin para malaman hindi iyong int he offing pa lamang ay ibinagsak na samantalan­g meron namang nagsasabi na subukan at baka ito na ang “wonder drug” sa tila man-made na COVID-19 virus.

Sa mga scientists naman ng Pilipinas bakit hindi man lamang kayo umiimik kung meron kayong ideya patungkol dito, at kung meron kayong ginagawa na sarili nating vaccine laban sa virus para hindi na tayo umaasa sa mga dambuhalan­g pharmaceut­ical companies na matagal nang nagdodomin­a sa ating health needs.

Panahon na, mga Pinoy scientists, na gumawa kayo ng hakbang para naman magkaroon tayo ng sarili nating droga na ipanggagam­ot sa ating mga kababayan hindi iyong tango lamang tayo ng tango. Kilos na mga brad.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines