Daily Tribune (Philippines)

HINDI APEKTADO

-

Sa kabila ng krisis na hinaharap ng bansa ngayon dahil sa patuloy na pananalasa ng coronaviru­s disease (COVID-19), mayroon pa ring hinaharap na problema ang pamahalaan kaugnay naman sa mga teritoryon­g pinag-aagawan sa West Philippine Sea (WPS).

Hindi maikakaila na talaga namang todotodo na ang ginagawang pagpapatay­o ng bansang China ng mga istraktura nito sa ilang mga islang pag-aari ng Pilipinas at aminin man natin o hindi, may tensyon na nagaganap kapag napag-uusapan ang WPS.

Ilang diplomatic protests na rin ang naipapadal­a ng Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa mga teritoryo ng bansa na tinatayuan ng China ng kanilang istraktura at nitong nakaraan nga, nagprotest­a muli ang bansa dahil naman sa mga Chinese vessels na ayaw umalis sa paligid ng Julian Felipe Reef.

Pero sa kabila ng mga debate, tensyon at argumento kaugnay sa WPS, may katiting na maayos na balita pa rin tayo lalo na pagdating sa mga trabahong kailangang-kailangan ng mga Pinoy ngayon dahil sa pandemya.

Nitong Martes, sinabi ni Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Silvestre Bello III na hindi magkakaroo­n ng negatibong epekto sa labor relations ng Pilipinas at China ang tensyon sa West Philippine Sea.

“Sa palagay ko hindi makakaapek­to ‘yan sa labor relations natin because notwithsta­nding what is happening in the West Philippine Sea, nakatangga­p pa rin tayo ng communicat­ion from them that they are willing to finalize our bilateral labor agreement with them,” sabi ni Bello.

Dagdag niya, magkakaroo­n ng bilateral agreement ang Pilipinas sa Tsina, at sa katunayan ay magbubukas din ng tatlong Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa nasabing bansa.

“They are asking us already to put up our POLOs and we are already [in] the process of putting one in Beijing, in Shanghai, and in Shenzhen,” ani Bello.

Sinabi ng kalihim na ang pagbubukas ng mga POLO sa ibang bansa ay indikasyon na mayroong trabaho para sa mga Filipino worker doon at ang isa sa mga trabahong madedeploy roon ay ang mga English teachers.

“They are asking for our English teachers. Ang daming teachers. Saka ‘yung musicians natin, mga entertaine­rs are very popular in China,” saad ni Bello.

Nasa $US3,000 umano ang inaasahang sahod ng mga English teacher sa China.

Kung anuman ang mga usapin kaugnay sa West Philippine Sea, magandang balita pa rin ang hindi pagkasira ng labor relations sa pagitan ng Pilipinas at China.

At kung English lang ang pag-uusapan, hindi magpapatin­ag ang mga Pinoy sa ganoong larangan.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines