Daily Tribune (Philippines)

KC CONCEPCION, AYAW NAA SA CONDO

- NI LARS ALEXANDERS­SON

Mga mars, mukhang nagsawa na sa buhaycondo ang aktres na si KC Concepcion kung kaya naman nagdesisyo­n na siyang iwan ang kanyang condominiu­m at tumira na sa isang “totoong” bahay.

Sa isang social media post, sinabi ni KC na ipagpapali­t na niya ang ilang taong paniniraha­n sa condo para sa isang tunay na “bahay” kung saan maaari niyang gawin ang lahat ng naisin niya.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng dalaga ang kanyang announceme­nt kalakip ang illustrati­on ng isang babae na kumakain ng pizza habang umiinom ng wine.

“This was the moment I decided to move out of my condo and try living in an actual house. Yup,

I’m moving!” sabi ng anak ni Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Pero ayon sa dalaga, hindi niya sasabihin kung saan siya lilipat para na rin sa kanyang seguridad.

“Please don’t ask me where to for security reasons. All I know is, some good decisions come from the most unexpected (unguarded) moments. As for me, my enlightenm­ent came from pizza and a glass of wine,” saad ni KC.

Kung matatandaa­n, naibalita na noon na matagal nang naniniraha­n si KC sa kanyang three-bedroom condo unit sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Nag-post din siya sa IG ng ilang litrato na kuha sa kanyang condo noong 2019 kung saan ibinandera niya na ang ibinayad niya sa nasabing property ay katas ng kanyang pagaartist­a.

“Got this apartment 10 years ago. The fruits of my labor sa pag-aartista. Not a single peso from my parents unang katas ‘to! Hehe! Napakinaba­ngan hanggang ngayon,” pagmamalak­i ni KC sa kanyang achievemen­t. There’s no place like home talaga KC… char!

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines