Daily Tribune (Philippines)

HIGIT 1.3 MILYON, NABAKUNAHA­N NA

VACCINE DRIVE NG PAMAHALAAN, TULOY LANG…

- NI KITOY ESGUERRA

Inihayag ng Department of Health (DoH) nitong Miyerkules na umabot na sa higit 1.3 milyong Pilipino na ang nabakunaha­n laban sa coronaviru­s disease (COVID-19) dalawang buwan matapos simulan ng pamahalaan ang inoculatio­n drive nito.

Sa vaccine statistics bulletin, sinabi ng Health department na as of 21 April, nasa 1,562,563 vaccine doses ang naibakuna na at sa kabuuan, 209,456 ang second doses na ng COVID-19 jabs. Ang natitirang 1,353,107 ay first doses pa lamang.

Ayon pa sa ahensya, ang lahat ng 3,025,600 COVID-19 vaccines na dumating sa bansa ay naipamigay na sa mga local government units.

Ang 1.3 milyong administer­ed doses ay binubuo ng 76 porsiyento ng kabuuang 1,780,400 allocated doses at ang 209,456 administer­ed second doses ay nasa 12 porsiyento.

Kung matatandaa­n, sinabi ng DoH na ang second dose allotment para sa Sinovac jabs recipients ay sigurado na, habang ang mga bakuna mula sa AstraZenec­a ay inaasahang darating sa magkaibang araw dahil mas matagal umano ang interval para sa second dose nito.

Samantala, bahagyang bumaba naman ang bilang ng daily average number of vaccinated individual­s sa 43,835 sa loob ng pitong araw at as of April 13, nasa 47,545 ito kahit 2,988 lamang ang vaccinatio­n sites.

Nitong linggo, tumaas ang bilang ng vaccinatio­n sites sa 3,263. Sa anim na COVID-19 vaccine candidates na binigyan ng emergency use authorizat­ion (EUA) sa Pilipinas, tanging Sinovac at AstraZenec­a vaccines pa lamang ang dumating sa Pilipinas.

Ang mga bakuna mula sa Pfizer, Gamaleya Institute, Johnson & Johnson at Bharat Biotech ay hindi pa dumarating sa bansa.

Nitong Lunes, sinabi ng DoH na libong doses ng bakuna mula sa Sinovac, Pfizer at Gamaleya Institute ang inaasahang darating sa bansa ngayong buwan.

“The FDA (Food and Drug Administra­tion) has also issued EUA (emergency use authorizat­ion) for Janssen and Covaxin that will help widen the country’s vaccine portfolio,” saad ng DoH.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines