Daily Tribune (Philippines)

RED-TAGGING SA COMMUNITY PANTRIES, PINAIIMBES­TIGAHAN

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules ang pagsasagaw­a ng imbestigas­yon kaugnay sa mga umano’y redtagging ng mga community pantry organizers na ginawa ng kapulisan.

Ayon kay PNP spokespers­on Police Brigadier General Ronaldo Olay, inatasan ni PNP chief Police General Debold Sinas ang Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG) at lahat ng police regional offices na magsagawa ng imbestigas­yon sa mga involved personnel nito.

“Pinagutos na rin niya kanina na imbestigah­an ng CIDG at mga police regional offices yung alleged red-tagging na ‘yan. Imbestigah­an nila ‘yung sarili nilang tauhan,” sabi ni Olay.

Dagdag niya, ang PNP AntiCyberc­rime Group ay inatasan ding imbestigah­an ang mga text messages at social media posts na nag-uugnay umano sa mga organizers ng community pantries at mga rebeldeng grupo.

Nitong Miyerkules rin, sinabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na iimbestiga­han nito ang mga police officers na involved umano sa profiling ng community pantry organizers.

Giit ni NCRPO chief Police Major General Vicente Danao, walang utos galing sa liderato ng PNP na magsagawa ng profiling ng mga organizers ng community pantries.

“Kung meron man po, ang ating opisina ay iimbestiga­han po kung meron mang pulis na involved. Pero wala pong instructio­n coming from higher level, o sa aking level, o sa level siguro po ng director na gawin,” saad ni Danao.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines