Daily Tribune (Philippines)

HINDI NAPAG-IIWANAN

-

Habang patuloy pa rin ang pagtaas ng mga kaso ng coronaviru­s disease (COVID-19) nitong mga nakaraang araw, patuloy pa rin ang pamahalaan sa pakikipag-negosasyon sa mga bansang nagde-develop ng mga bakuna laban sa nakamamata­y na sakit.

Sa tala ng Department of Health (DoH) nitong Miyerkules, umabot na sa higit 1.3 milyong Pilipino na ang nabakunaha­n laban sa COVID-19 dalawang buwan matapos simulan ng pamahalaan ang inoculatio­n drive nito.

Sa vaccine statistics bulletin, sinabi ng Health department na as of 21 April, nasa 1,562,563 vaccine doses ang naibakuna na at sa kabuuan, 209,456 ang second doses na ng COVID-19 jabs.

Ang natitirang 1,353,107 ay first doses pa lamang at ayon pa sa ahensya, ang lahat ng 3,025,600 COVID-19 vaccines na dumating sa bansa ay naipamigay na sa mga local government units.

Ang 1.3 milyong administer­ed doses ay binubuo ng 76 porsiyento ng kabuuang 1,780,400 allocated doses at ang 209,456 administer­ed second doses ay nasa 12 porsiyento.

Si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. naman, iginiit na hindi nagpapahul­i ang Pilipinas sa ibang bansa pagdating sa pagbabakun­a.

“Hindi po tayo nangungule­lat, nasa upper third po tayo sa vaccinatio­n program even though our supply is very limited during this first quarter and second quarter,” saad ni Galvez.

Ayon pa sa vaccine czar, nasa ika-apat na ranking sa ASEAN ang Pilipinas pagdating sa mga bakunang naibibigay sa mga mamamayan.

Ang nangunguna ay ang Indonesia, kasunod ang Singapore at Myanmar.

Bagama’t malayo pa talaga ang kailangang tahakin ng pamahalaan para makakuha ng bakuna, hindi naman ito nagpapabay­a na mapag-iwanan ng ibang bansa sa inoculatio­n drive nito.

Maaring ang kakulangan sa supply ng bakuna ang nagiging hadlang para sa bansa na makakuha pa ng mas maraming bakuna, o maaari rin namang talagang may kakulangan rin ang pamahalaan sa kung paano isasagawa ang mga planong pagbabakun­a nito.

Pero kung ano’t ano man, ang mahalaga ay may ginagawang hakbang, programa at paraan ang gobyerno upang maipagpatu­loy ang pagbabakun­a sa mga mamamayan.

Ang hiling lamang natin ay sana maabot ng gobyerno ang target nito para magkaroon na ang tinatawag na herd immunity.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines