Daily Tribune (Philippines)

JONVIC, UMALMA KAY YORME!

CAVITE VS TONDO, NABUHAY NA NAMAN?

- NI KITOY ESGUERRA

Bumuwelta si Cavite Governor Jonvic Remulla sa mga pahayag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Biyernes na hindi umano tumutulong ang provincial government ng Cavite sa mga taga-Maynilang na-relocate sa kanilang lugar.

Kung matatandaa­n, sinabi ni Domagoso na hindi umano nakakuha ng cash aid para sa mga naapektuha­n ng coronaviru­s disease (COVID-19) ang nasa 1,000 pamilyang na-relocate sa isang housing program sa Naic, Cavite.

Sa isang social media post, inihirit ni Remulla na hindi dapat nagsalita si Domagoso nang mga naturang pahayag at dapat ay pinag-aralan muna ng Manila mayor ang suliranin bago nagsalita.

“Yorme, alam ng lahat ang ambisyon mong maging Pangulo. Wala namang isyu don. Libre mangarap ang kahit sino. Pero sana ay huwag mong tapakan ang iba para lamang umangat ka. Hindi ka pa nga Pangulo ay ang yabang mo na,” saad ni Remulla.

“Sana, pag-aralan mo muna ang suliranin bago ka magpuputak ng walang kwenta. Kung pagpapasik­at lang ang gusto mo? Hindi mo kailangan mangapak ng Caviteño,” dagdag niya.

Ayon pa kay Remulla, ipinagtata­nggol lamang niya si Naic Mayor Jun Dualan na siya umanong kinastigo ni Domagoso dahil sa kakulangan ng tulong para sa mga Manilenyon­g nailipat sa Cavite.

Dagdag pa niya, ang annual budget umano ng Maynila ay aabot sa P20 bilyon, habang nasa P380 milyong lamang ang budget ng Naic mula sa pamahalaan taon-taon.

“Yorme, huwag mo namang sabihin na hindi namin iniintindi ang mga galing Maynila. Sila ay nag-aaral sa aming mga paaralan at humingi ng tulong sa aming Mayor,” sabi ni Remulla.

“Lahat ng basic services ay binibigay namin. Kahit galing Maynila, basta lumipat sa Cavite ay Caviteño na rin ang turing namin,” dagdag niya.

“Hirap na hirap na nga kami dito, kami pa ang ginawa mong rason dahil sa pagka-atat mong sumikat. Wag kaming mga Caviteño ang pag-initan mo. Hindi ka namin uurungan,” sabi pa ng Cavite governor.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines