Daily Tribune (Philippines)

ANGEL LOCSIN, HUMINGI NG TAWAD

- NI IZEL ABANILLA

Abut-abot ang paghingi ng tawad ni Angel Locsin sa pamilya ng 67-anyos na lalaking nasawi habang nakapila sa community pantry ng aktres sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City nitong Biyernes ng umaga, Abril 23.

Kahapon din ay ipinagdiwa­ng ng actress-philanthro­pist ang kanyang 36th birthday sa pamamagita­n ng paglulunsa­d ng community pantry para matulungan ang mga nangangail­angan.

Sa Instagram, kinumpirma ni Angel ang pagpanaw ni Rolando dela Cruz, na nahimatay habang nakapila sa community pantry ng aktres.

“Sa tingin ko, tama lang po na sa akin ninyo na marinig na totoo po ang balita na may inatake at namatay habang nasa pila ng community pantry. Senior citizen po sya na pumila daw po ng 3am at may naka-initan sa pila,” sabi ni Angel.

Personal daw na humingi ng tawad ang aktres sa pamilya Dela Cruz.

“Bago po ang lahat, humihingi po ako ng tawad sa pamilya. Kanina po pinuntahan at nakapag-usap po kami ng personal ng mga anak nya sa ospital. At habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila.”

Paano na ang community pantry ni Angel?

Ayon kay Angel, isa raw magbabalut si Dela Cruz, na inilarawan din niya bilang isang “mabuting ama at maayos nyang napalaki ang mga anak nya.”

Sinabi ni Angel na tinatapos na nila ang pamamahagi ng tulong sa kanyang community pantry, at naglaan na rin umano ng “fast lane” para sa mga senior citizen na tulad ni Dela Cruz.

“Meron po kaming tinayong fast lane para sa seniors na tent na may upuan nung mapansin po namin na maraming senior citizens ang nakapila kaninang umaga.

“Pero hindi naman po ibig sabihin na ini-encourage po namin ang mga seniors na lumabas at alam po natin na bawal po according sa IATF rules.

Pagbabalit­a pa ni Angel, ibibigay niya sa iba pang community pantries ang sosobra sa sarili niyang pantry. “Ido-donate na lang po namin ang mga natitirang goods sa ibang community panties at barangay.”

Dahil sa nangyari, dalangin ni Angel na huwag naman daw sanang madamay ang iba pang community pantries. Tiniyak din ng aktres na tutulungan niya ang pamilya Dela Cruz.

“Ang nangyari po ay akin pong pagkakamal­i. Sana po’y wag madamay ang ibang community pantries na maganda po ang nangyari.

“Sa ngayon po, I will prioritize helping the family and I will make it my responsibi­lity to help them get through this. “I am very very sorry.”

Libing, sasagutin ng QC government

Samantala, tiniyak naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na sasagutin ng pamahalaan­g lungsod ang pagpapalib­ing kay Dela Cruz.

Nilinaw din ng alkalde na hindi sila nasabihan tungkol sa paglulunsa­d ng community pantry ni Angel kahapon. Kung nagkataon, sinabi ni Belmonte na “[it] would have surely made a difference in the outcome of today’s events.” (May ulat ni Ma. Lonila V. Agaton, intern)

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines