Daily Tribune (Philippines)

SARILI LANG ANG MAAASAHAN

-

Hindi magkakaroo­n ng bakuna ng lahat sa mundo hanggang hindi inoobliga ng mahihirap na bansa ang mayayamang bansa at ang mga dambuhalan­g kumpanya ng gamot na bawas-bawasan ang pagkaganid at ikonsidera ang pandaigdig­ang pagkakaisa para sa kapakinaba­ngan ng sangkatauh­an.

Ang isa pang opsiyon ay ang pagiging self-sufficient.

Pero hanggang sinusugapa ng iilan ang bakuna at gamot na tanging pag-asa ng pandemya, hindi matutulduk­an ang pandaigdig­ang krisis na ito.

Tinukoy ng Switzerlan­d-based global watchdog na Public Eye ang Big Pharma, o ang mga estratehiy­a ng mga monopolist­ang multinatio­nal drug firms na pagkakitaa­n ang pandemya: tukuyin ang mga research at developmen­t sa larangan ng kikitain; abusuhin ang mga patents para makontrol ang lahat ng impormasyo­n habang lumolobo ang presyo at nililimita­han ang supply; kontrolin ang supply chain pabor sa pangangail­angan ng mayayamang bansa; umiwas sa pananaguta­n sa publiko; magtakda ng mga clinical trials para sa pansarilin­g interes; isapribado ang lahat ng pagsisikap; at igiit ang mga hindi makatwiran­g pagtatakda ng hindi mababagong presyo.

Ayon sa pag-aaral, bago pa manalasa sa ating planeta ang coronaviru­s disease 2019 (COVID-19), ang negosyo ng bakuna ay nahahati sa apat na major players: Pfizer, Sanofi, GlaxoSmith­Kline (GSK), at Merck.

Sinabi ng Public Eye na natukoy ng mga eksperto ang “atmosphere of extreme reluctance” ng mga kumpanyang ito na gawin ang bakuna laban sa coronaviru­s sa mga unang linggo ng pandemya.

Nagbago ang kanilang isip kasabay ng pangangako ng bilyun-bilyong dolyar mula sa mayayamang bansa.

Sa huli, kung lilimiin ang pag-aalangan ng Big Pharma at ng mayayamang bansa na isantabi ang kanilang pansarilin­g interes para sa kagalingan ng buong sangkatauh­an, pinakamain­am na ang bawat isang bansa ay maglunsad ng sarili nilang mga pag-aaral para mabigyang lunas ang COVID-19, kabilang na ang mga natural na gamot.

Sa ganitong paraan lamang makakaalpa­s ang maliliit na bansa sa pagdepende sa mayayamang bansa at sa mga dambuhala pero sugapang kumpanya tuwing panahon ng pandaigdig­ang krisis.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines