Daily Tribune (Philippines)

PRESIDENTI­ABLES NI RODY, INILABAS

PANGULONG DUTERTE, MAY NAPUPUSUAN NA BA?

- NI KITOY ESGUERRA

Inihayag ng Malakanyan­g nitong Huwebes na mayroon na umanong napupusuan ang Pangulong Rodrigo Duterte na maaari umanong kumandidat­o bilang pangulo ng bansa sa 2022 national elections.

Ayon kay Presidenti­al spokespers­on Harry Roque, nabanggit umano ng Pangulo sa ilang mga pagkakatao­n ang kanyang pinagpipil­ian bilang susunod na presidente ng Pilipinas.

Kasama sa mga pinagpipil­ian umano ng Pangulo ay ang anak niyang si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, Senador Christophe­r “Bong” Go, Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, dating Senador Bongbong Marcos at si Senador Manny Pacquiao.

“Noong kinausap ko siya d’yan, wala pa siyang desisyon. Mayroon lang siya talagang mga options na sinabi,” saad ni Roque.

Nito lamang nakaraan, hinihimok ng PDP-Laban na siyang ruling party sa bansa ang Pangulo na tumakbo bilang bise presidente ng bansa sa national elections sa susunod na taon.

Pinapipili rin ang Pangulo ng kanyang magiging running-mate kung sakaling papayag itong tumakbo para sa ikalawang pinakamata­as na posisyon sa bansa.

Kung matatandaa­n, ilang beses nang sinabi ng Pangulo na hindi niya papatakbuh­in bilang presidente ang kanyang anak.

“Ang rekomendas­yon niya ay ‘wag tumakbo si Sara. That’s the latest I heard from the President’s own mouth,” sabi ni Roque.

Pero ganunpaman, marami pa rin ang naniniwala­ng tatakbo ang Davao City mayor bilang pangulo dahil makailang-beses na itong nangunguna sa mga survey kung saan ipinapakit­a na marami ang may gustong tumakbo si DuterteCar­pio sa pagka-presidente sa 2022 elections.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines