Daily Tribune (Philippines)

PROTEKSIYO­N NG FACE SHIELD

-

PARA kay Manila Mayor Isko Moreno, kung mapatutuna­yang sapat na ang pagsusuot ng mask at walang direktang kontribusy­on ang face shield para protektaha­n ang tao laban sa COVID-19, hindi na dapat obligahin pa ang publiko na magsuot ng face shield sa labas ng bahay.

Sa panahon daw ng pandaigdig­an at malawakang pagbabakun­a laban sa nakamamata­y na coronaviru­s, napansin ng alkalde na mga Pilipino na lang ang nagsusuot ng face shield sa mundo. Aniya, ang face shield, sa ngayon, ay para na lang sa mga nasa loob ng ospital, silang direktang nakalantad sa panganib ng pagkakahaw­a sa virus.

“I think napapanaho­n na irebisa, bisitahin muli ‘yung polisiya natin sa face shield, kasi baka naman hindi na kailangan, baka ‘yung face mask ay puwede na,” ani Moreno.

Nagbigay ang alkalde ng apat na dahilan kung bakit para sa kanya ay napapanaho­n nang hubarin ng publiko ang face shield, na may katumbas na multa kapag wala nito.

Una, karagdagan­g “gastusin” lang daw ito para sa mahihirap. Pangalawa, “dagdag-basura lang” daw ang plastic na face shield. Pangatlo, maaari raw itong magdulot ng sakit sa publiko kalaunan dahil “marami nang nahihirapa­ng huminga.” At pang-apat, dumarami na ang “bakunado” kaya sasapat na raw, ayon sa alkalde, na “mag-facemask ka lang tapos mag-physical distancing.”

Pero kontra rito si Health Secretary Francisco Duque III at iginiit na masyado pang kakaunti ang nababakuna­han sa bansa kontra COVID-19, dahil na rin sa kakaunti pang vaccine supply, para ikonsidera ang suggestion ng popular na alkalde ng Maynila.

“Okay mungkahi ni Mayor Isko kung malaki na vaccinatio­n coverage natin. Hindi pa puwedeng tanggalin ang face shield policy for now when our twodose vaccinatio­n coverage is a little over 2% due to still inadequate vaccine supply,” paliwanag ni Duque.

Dati nang iginiit ng DOH Secretary na suportado ng siyensiya ang paggamit ng face shield laban sa coronaviru­s, ayon daw sa isang pag-aaral na inilathala ng pangunahin­g internatio­nal medical journal na The Lancet.

“There are many scientific studies showing that face shields in combinatio­n with face masks and more than one-meter social distancing provide a greater than 95% protection,” sinabi ni Duque noong nakaraang taon.

Disyembre 2020 nang istriktong ipatupad ng gobyerno ang pagsusuot ng face shield, bukod pa sa mask, bilang proteksiyo­n laban sa COVID-19 kapag lumalabas ng bahay.

Gayunman, mismong ang United States Center for Disease Control and Prevention (CDC) ay nagsabing ang pagiging epektibo ng face shield laban sa COVID-19 ay “unknown.” Ang malinaw lang, hindi inirerekom­enda ng CDC ang paggamit ng face shield kapalit ng mask, dahil pinakamabi­sa pa rin daw ang mask bilang proteksiyo­n laban sa coronaviru­s.

“Face shields are not as effective at protecting you or the people around you from respirator­y droplets,” ayon sa CDC.

Walang mawawala sa mga pandemic control policymake­rs kung paglalaana­n nila ng ilang minuto ang pagtalakay sa mungkahing ito ni Moreno, kasabay ng masusing pagkonside­ra sa mga tuklas at resulta ng mga pinakabago­ng pag-aaral at rekomendas­yon mula sa health experts.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines