Daily Tribune (Philippines)

PARTIES, BAWAL PA RIN!

- NI KITOY ESGUERRA

Muling nagpaalala ang Department of Health (DoH) sa publiko na ipinagbaba­wal pa rin ang mga parties at mass gathering sa bansa dahil patuloy pa rin ang krisis na kinakahara­p ng sambayanan dala ng coronaviru­s disease (COVID-19) pandemic.

Innudyukan rin ng ahensya ang mga local government units (LGU) na mahigpit na ipatupad ang ban sa mga parties at mass gathering dahil maaari umano itong maging super spreader ng nakamamata­y na sakit.

Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ay naglabas na ng memorandum circular no. 2021-058 na nagmamanda­to sa mga local chief executives na pag-ibayuhin pa ang pagpapatup­ad sa nasabing ban.

“Tayo rin po ay nakikiusap sa ating mga local government units at sa ating publiko na ipinagbaba­wal pa rin po ang mga pagtitipon gaya ng mga parties na maaaring maging source ng supersprea­der events,” saad ni Health Undersecre­tary Maria Rosario Vergeire.

Kung matatandaa­n, naglabas ang national government ng memorandum noong May 31, 2021 kung saan nakasaad sa probisyon na hindi maaaring payagan ang pagdiriwan­g ng mga piyesta, birthday parties at pagtitipon sa mga beaches at swimming pools.

“Sa loob po ng joint memo circular na ito, tinatawaga­n po ang lahat ng ating local government units na mas paigtingin ang pagpapatup­ad ng minimum public health standards, mula sa pagpapatig­il ng mga malalaking pagtitipon, hanggang sa pagpapatup­ad ng mask wearing, face shield, physical distancing at saka oras ng curfew,” saad ni Vergeire.

“We urge the public to stay home and only go out when needed to prevent the transmissi­on of COVID-19,” dagdag niya.

Pero hindi naman nilinaw ng DoH kung kasama sa ban ang mga pagdiriwan­g sa mga public areas gaya nang mga maliit na pagtitipon at mga wedding receptions.

“Para sa kaligtasan po ng lahat, kailangan ang walang mintis na pagsunod sa minimum public health standards upang maiwasan natin ang pagkakaroo­n ng panibagong surge,” sabi ni Vergeire.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines