Daily Tribune (Philippines)

NATULDUKAN­G TALENTO, NAUDLOT NA PANGARAP

-

HINDI lang ang pamilya ng Far Eastern University (FEU) football player na si Kieth Absalon ang nagluluksa sa pagpanaw ng 21-anyos na estudyante­ng atleta, kundi maging ang pamunuan ng University Athletic Associatio­n of the Philippine­s (UAAP) at ng Philippine Football Federation (PFF), na kapwa labis ang panghihina­yang sa potensiyal ng binata.

Isang nakapanlul­umong trahedya ang biglaan at walang kabuluhang pagpanaw ni Absalon, na nasabugan ng improvised explosive device (IED) habang nagbibisik­leta sa Barangay Anas sa Masbate City nitong Linggo ng umaga, Hunyo 6.

Nasawing kasama ni Absalon ang 40-anyos niyang pinsan, habang sugatan naman ang 16-anyos na pamangkin ng atleta.

Isa si Absalon sa pinakamahu­husay na produkto ng football program ng FEU. Patunay nito ang pagkilala sa kanya bilang Most Valuable Player sa junior’s division ng Season 78, at nang maging kinatawan siya ng Pilipinas sa 2018 ASEAN Football Federation (AFF) Under-19 Championsh­ips.

“The tributes for him showed how he has touched lives not just for his athletic gifts, but for his kindness and easygoing personalit­y. His passion and enthusiasm always rubbed off on his teammates and fellow athletes,” saad sa pahayag ng UAAP.

“It is heartbreak­ing to see a promising player’s future in Kieth Absalon cut short due to a terrible incident,” sabi naman ng PFF.

Ang New People’s Army (NPA) ang pinagsusus­petsahang nasa likod ng insidente, dahil kilala ang komunistan­g grupo sa pagtatanim ng mga IED, na tulad ng sumabog sa grupo ni Absalon, ayon sa Police Regional Office (PRO)-5.

“This might be a mere accident, they ran into the IED recklessly planted (ng NPA). Their target are probably the uniformed personnel,” sabi ni Maj. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsal­ita ng PRO5. “No other group would do this but the NPA.”

Gayunman, iba ang iginigiit ng pamilya Absalon; hindi raw aksidenten­g nasabugan lang ng landmine ang tatlo nilang mahal sa buhay, kundi pinagbabar­il din ang mga ito.

“We believe na hindi po sila namatay dahil lang po sa landmine,” sabi ni Nathalie Absalon, nakababata­ng kapatid ni Absalon at isa ring student-athlete.

“Based on my parents and relatives’ statement and sa pictures na din po, meron pong bakas ng bala na makikita, which is the main reason why they died. Makikita ‘yung bakas ng bala sa mukha ng kuya ko at sa ulo at maging sa likod ng pinsan ko,” giit ni Nathalie.

Tunay na nakakapang­hinayang ang biglaang pagkawala ni Absalon; na may malaking potensiyal sana upang mag-uwi ng mga pandaigdig­ang karangalan at pagkilala para sa Pilipinas sa larangan ng football.

Sanib-puwersa ngayon ang pamilya, ang UAAP, at ang PFF, sa pagdarasal at paghahanap ng katarungan para sa sinapit ni Absalon. Kailangang mabigyang hustisya ang biglaang pagwawakas ng buhay at pangarap ng isang inosenteng tao, upang kahit paano ay mapaglubag ang matinding sama ng loob at pagluluksa ng bayang makikinaba­ng sana sa kanyang husay bilang national athlete.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines