Daily Tribune (Philippines)

WILLIE… FOR SENATOR?

-

PINAKAKAND­IDATO ni Pangulong Rodrigo Duterte ang TV host na si Willie Revillame para sa pagkasenad­or sa eleksiyon sa 2022.

Kahapon, Hunyo 13, kumalat sa social media ang video message ni Duterte, kung saan inilahad nito ang personal na mensahe para sa Wowowin host.

“Willie, si Mayor ‘to. Kumusta ka?” bungad ni Duterte sa video message.

“Matagal na tayong ‘di nagkita pero palagi kitang naaalala, dahil gusto ko sanang maging senador ka,” patuloy ng Pangulo.

Ayon kay Duterte, nagdadalaw­ang-isip daw si Willie kung itutuloy nito ang pagkandida­tong senador sa susunod na taon.

Tiniyak naman ng Presidente na ang senatorial slot para kay Willie ay “open until the last minute.”

“Kung ayaw mo na talaga, e ‘di puwede na tayong mag-usap ulit,” ani Duterte.

Sinabi pa ng Pangulo na bilib siya sa kakayahan ni Willie na maging malapit sa publiko, lalo na sa mahihirap.

“Bilib ako sa appeal mo sa masa,” sabi pa ni Duterte.

Wala pang reaksiyon si Willie sa video message sa kanya ng Pangulo habang isinusulat ang balitang ito.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines