Daily Tribune (Philippines)

NCR PLUS, HIGH-RISK PA RIN

- BELLA CARIASO

Hindi pa ligtas ang Metro Manila sa banta ng COVID-19 kahit na patuloy na kumakaunti ang naitatalan­g bagong kaso ng hawahan sa NCR Plus sa nakalipas na mga linggo, ayon sa treatment czar na si Health Undersecre­tary Leopoldo Vega.

Sa panayam sa DZBB, sinabi kahapon, Hunyo 13, ni Vega na sa ngayon ay hindi pa maaaring pabalikin sa Visayas ang mga medical workers na dumayo sa Metro Manila nang dumami ang nagpositib­o sa rehiyon noong Marso.

Ito ay kahit pa dumadami sa kasalukuya­n ang COVID-19 cases sa Visayas at Mindanao. “Cases in the NCR has been decreasing but we cannot still say we are out of the woods,” ani Vega, at iginiit na nananatili­ng nasa high-risk classifica­tion ang Metro Manila.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines