Daily Tribune (Philippines)

VOTERS’ REGISTRATI­ON PARA SA KALALAKIHA­N

- KITOY ESGUERRA

Magkakaroo­n ng special voters’ registrati­on ang Commission Elections (Comelec) para sa kalalakiha­n bilang bahagi ng selebrasyo­n ng Father’s Day sa Hunyo 20.

Sa isang Facebook post kahapon, Hunyo 13, inianunsiy­o ng Gender and Developmen­t Office (GAD) ng Comelec na ang tatlong araw na special voters’ registrati­on ay itinakda sa Hunyo 21-23.

Ang pagpapareh­istro sa mga local Comelec offices ay magsisimul­a ng 8:00 ng umaga hanggang sa 5:00 ng hapon.

Noong Marso, nagtakda rin ang Comelec ng special voters’ registrati­on para sa kababaihan kaugnay ng selebrasyo­n ng National Women’s Month.

Ang pagpapareh­istro para makaboto sa Mayo 9, 2022 ay hanggang sa Setyembre 30, 2021 lamang.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines