Daily Tribune (Philippines)

BLACK BOX NG NAG-CRASH NA C-130, NAKITA NA

- NI KITOY ESGUERRA

Inihayag ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP) nitong Martes na natagpuan na ang flight data recorder o tinagurian­g black box ng C-130 plane na nag-crash sa Patikul, Sulu noong Linggo.

Ayon kay AFP chief General Cirilito Sobejana, malaking tulong ang pagkakarec­over sa black box dahil doon nila malalaman kung ano talaga ang naging sanhi ng pagbagsak ng eroplano na kumitil ng 52 na buhay at nag-iwan ng maraming sugatan.

“Malalaman natin kung ano yung magiging conversati­on doon sa cockpit,” sabi ni Sobejana.

Base sa mga paunang ulat, tatlong beses umanong tumabog ang eroplano habang nagla-landing at base rin daw sa mga eksperto, ang maaaring gawin ng piloto ay paliparing muli ang eroplano upang subukan muling mag-landing.

Subalit hindi na umano nagkaroon ng sapat na lakas ang eroplano upang makalipad muli dahil sa pagbagal nito hanggang sa tumama umano ang isang pakpak nito sa isang puno.

Samantala, sinabi naman ni Department of Defense Secretary Delfin Lorenzana na sa kabuuang fatalities, 49 ay sundalo habang tatlo naman ay sibilyan, habang nasa 47 servicemen naman ang naiulat na nasugatan.

Ipinagutos na rin ni Lorenzana ang malawakang imbestigas­yon kaugnay sa insidente.

“I have ordered a full investigat­ion to get to the bottom of the C-130 incident, as soon as the rescue and recovery operation is completed,” saad ni Lorenzana sa isang social media post.

Kung matatandaa­n, sinabi ni Arevalo na may mga na-retrieve na silang mga labi ng mga sundalong namatay sa aksidente.

“So far, na-retrieve na po natin ang lahat ng mga labi ng ating mga sundalo na pumanaw sa aksidente na ito. Kabuuan na 47 ang na-recover natin,” sabi ni Arevalo. “Bukod po doon sa 47 nating mga sundalo na namatay, meron pa rin pong tatlong sibilyan, hindi po sila pasahero. Kasama po sila sa ground doon sa lugar kung saan nangyari ang crash.”

Newspapers in English

Newspapers from Philippines