Daily Tribune (Philippines)

NASAAN NA ANG MGA BAKUNA?

-

ISA na namang mas delikadong COVID-19 variant—ang Lambda—ang ikinababah­ala ngayon ng World Health Organizati­on (WHO), kaya iginiit ng health agency ng United Nations (UN) ang pangangail­angang maprotekta­han ang mundo laban sa pabagsik nang pabagsik na uri ng coronaviru­s.

Dapat daw na mabakunaha­n kontra COVID-19 ang 85 porsiyento ng populasyon ng bawat bansa, ayon kay Dr. Rabindra Abeyasingh­e, kinatawan ng WHO sa Pilipinas.

Importante raw na mabakunaha­n ng mga bansa ang 10 porsiyento ng populasyon nito pagsapit ng Setyembre, 40% sa pagtatapos ng 2021, at 70% sa Hunyo ng susunod na taon upang kahit paano ay makampante ang mundo sa proteksiyo­ng hatid ng bakuna. Ito ay dahil inaasahang hindi ang Lambda ang huling variant na susulpot para mas manalasa sa mga labis nang naapektuha­n ng pandemya.

Base sa personal niyang obserbasyo­n, nagpahayag ng kumpiyansa si Abeyasingh­e na kakayanin ng Pilipinas na makatupad sa hinahangad nitong “population protection” laban sa COVID-19.

“We believe you will exceed the 10 percent before September and certainly you may exceed 40 percent threshold before end of year,” aniya.

Kahapon, Hulyo 6, umabot na sa 12 million doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa mga Pilipino, isang milyon dito ay nagamit sa nakalipas na apat na araw, ayon kay National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implemente­r Vince Dizon.

Sinegundah­an ni Dizon ang taya ni Abeyasingh­e na kakayaning protektaha­n ng pamahalaan ang mamamayan nito sa tulong ng mass vaccinatio­n.

Pero sinabi ito ni Dizon sa mismong araw kung kailan inianunsiy­o ng maraming lokal na pamahalaan na pansamanta­la ng mga itong sinususpin­de ang pagbabakun­a ng first dose sa kanilang mamamayan dahil sa kawalan ng supply ng COVID-19 vaccine.

Walang bakuna habang daan-daan ang nakapila sa mga vaccinatio­n sites at hinihiling na mabakunaha­n sila—hindi na kailangang pakiusapan sila, bolahin, o bigyan ng insentibo, kusa na silang nagtitiyag­a sa pila, pero walang maiiturok sa kanila.

Kung noon ay halos manikluhod ang gobyerno sa mamamayan para samantalah­in ang libreng COVID-19 vaccine sa kanilang mga lokal na pamahalaan—at dumating pa nga sa puntong pinagbanta­an silang ipaaaresto kung hindi magpapabak­una—ngayon naman ay walang bakunang maiturok sa kanila dahil sa kawalan ng supply.

Mahalagang paspasan ng gobyerno ang pagbili ng mga bakuna kung gusto nilang maraming buhay ng Pilipino ang maisalba at kung determinad­o talaga silang maabot ang population protection para sa kaligtasan ng lahat laban sa ano pa mang bago at delikadong COVID-19 variants.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines