Daily Tribune (Philippines)

AJ RAVAL, NABIKTIMA?

- NI JOHN PAUL FRANCISCO

Kamakailan ay naglabas ng saloobin ang up and coming actress na si AJ Raval dahil umano sa mga naglalabas­ang balita sa online kung saan sinasabing sila ang premyo sa tayaan umano ng isang Facebook group.

Sa kanyang FB account, hinirit ni AJ ang mga nangyari sa kanya at aniya, dalawang beses nang nangyari na nagagamit ang kanyang pangalan sa mga online scams o mga tayaan na kumakalat sa social media.

“GRABE TO! Sobra kung manggamit! iba nga pangalan pero ako yang nasa picture! Guys, HINDI TOTOO na papremyo kami sa pa-ending ng secret group na to! PAPREMYO TALAGA?!?! RESPETO NAMAN!!! Huwag kayo magpa-scam sa mga to guys. At sa gumawa nito, MAHUHULI RIN KAYO!!!” saad ni AJ sa kanyang Facebook page.

May screenshot ang aktres nang nasabing website kung saan larawan niya ang nakapaskil na grand prize umano sa isang online ending FB page pero iba lang ang pangalan na nakalagay.

Sa isang hiwalay na post naman, sinabi ni AJ na may mga online websites na rin ang nagpapakal­at ng balita na isa siya sa mga sinasabing “grand prize” ng online tayaan sa FB.

“Guys HINDI NA TALAGA BIRO TO!!! Ayan napick up na ng mga news sites. Nakakapiko­n kase hindi ganitong publicity ang need namin. MAAYOS KAMING NAGTATRABA­HO TAPOS GAGAMITIN KAMI NG GANITO?!?!” ang caption ni AJ sa post niya kung saan ipinakita niya ang mga umano’y online tayaan websites.

Bukod kay AJ, may dalawa pa umanong grand prize na nangnganga­lang Jela Cuenca at Angeli Khang.

Pero hindi kaya may nangpa-prank lamang kay AJ para sa isang pelikula? Yan siguro ang abangan natin. Tsuk!

 ?? Photos courtesy of aomnl.com ??
Photos courtesy of aomnl.com
 ?? Photos courtesy of aomnl.com ??
Photos courtesy of aomnl.com
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines