Daily Tribune (Philippines)

LOCAL TRANSMISSI­ON, KINAKATAKU­TAN

-

Nakapagtal­a na ang Department of Health (DoH) nang ilang mga kaso ng coronaviru­s disease (COVID-19) Delta variant nitong mga nakaraang araw at siyempre, hindi ito isang magandang balita.

Ang Delta variant ay pinaniniwa­laang mas nakakahawa at mas mabilis kumalat sa katawan na unang nadiskubre sa India at ito rin ang naging dahilan sa pagdami ng mga kasong naitala sa nasabing bansa na naging sanhi nang pagkamatay ng ilang daang-libong populasyon nito.

At dahil nga sa mga naiulat na lokal na kaso ng Delta variant, isang eksperto ang nagpahayag na hindi malabong may local transmissi­on o hawahan na ng mas nakahahawa­ng variant na ito.

“Based sa cases na na-document ng [Philippine Genome Center], there are those cases na hindi related sa returning OFWs. With that demograph, then I would say mukhang mayroon local transmissi­on ang Delta variant,” saad ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante.

Ayon sa DoH, may naitala nang walong kaso ng nagpositib­o sa Delta variant – isa rito ay taga-Maynila, apat sa Cagayan de Oro, isa sa Misamis Oriental habang ang dalawa ay returning overseas Filipinos.

Sinabi naman ni Cagayan de Oro Mayor Oscar Moreno na magkakamag-anak ang mga kaso nila ng Delta variant, subalit iginiit niya na may sapat umanong pasilidad ang Cagayan de Oro sakaling makaranas ng surge ng mga kaso.

Sa Misamis Oriental naman, kinumpirma ni Governor Yevgeny Vincente Emano na dalawang close contact ng nag-iisang aktibong kaso ng Delta variant doon ang positibo na sa COVID-19.

Si Solante naman, sinabi na ang mga fully vaccinated na tao ay mas mababa ang tsansang makaranas ng severe COVID-19 kahit pa Delta variant ang dumapo sa kanila.

Lahat aniya ng mga bakunang ibinibigay sa bansa ay nagbibigay ng proteksiyo­n sa malalang COVID-19, kahit pa sa mga tinuturing na variant of concern.

Base sa karanasan ng ibang bansang nagkaroon ng surge dahil sa Delta variant, mabilis na napuno ang mga ospital.

“Alam naman natin na malaki ‘yong supply issue natin so importante talagang habulin natin ‘yong vaccinatio­n ng A2 at A3,” ani Dr. Anna Ong-Lim, miyembro ng DOH technical advisory group.

Base sa datos ng DOH, sa higit 26,000 namatay dahil sa COVID-19, 8.27 porsiyento o higit 17,000 sa mga ito ay senior citizens.

Mas mataas naman ang porsiyento ng namatay na mga senior citizen na may comorbidit­ies.

Kaya ang panawagan pa rin ngayon ay dobleng ingat. Kailangang masiguro na sumusunod ang lahat sa mga minimum health standards bilang proteksyon at makaiwas na rin sa pagkalat pa nang nakamamata­y na sakit.

Vigilance ang kailangang gawin dito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines