Daily Tribune (Philippines)

MALAKING BAHAGI NG LUZON BINAHA, 25,000 BUMAKWIT

- Ni JOHN ROSON

Isang tao ang nasawi at limang iba pa ang nasugatan dahil sa ilang araw nang paguulan na dulot ng habagat na pinaigting ng bagyong “Fabian” at nanalasa sa malaking bahagi ng Luzon hanggang kahapon, Hulyo 24.

Nasa 25,325 katao ang lumikas dahil sa matinding baha bunsod ng pag-apaw ng mga ilog, bukod pa sa pagguho ng lupa, na pawang dulot ng ilang araw ng halos walang tigil na pag-uulan, ayon sa mga reports mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Office of Civil Defense (OCD), mga provincial disaster units at mga lokal na pamahalaan.

Ang nasawi ay ang 39-anyos na call center agent na si Esmerelda Suriaga, na nabuwalan ng puno ang sinasakyan­g taxi sa Kennon Road, Baguio City, nitong Biyernes ng hapon, Hulyo 23, ayon sa report mula sa OCDCordill­era at regional police.

Sugatan ang mga kasama ng biktima sa loob ng taxi na sina Samuel Suriaga, 29; at Wilfredo Suriaga, 63, habang ligtas naman ang taxi driver na si Mizon Galano, 33 anyos.

Nakapagtal­a rin ng mga insidente ng landslide sa Botanical Garden sa Baguio, sa La Trinidad at Tuba sa Benguet at sa Balbalan sa Kalinga.

Nasugatan din ang mga empleyado ng isang internet service provider na natumbahan din ng puno ang sinasakyan­g van sa Pagbilao, Quezon, nitong Huwebes, Hulyo 22.

Sa Metro Manila, umaabot sa 14,892 tagaMariki­na City ang nagevacuat­e dahil sa pagapaw ng Marikina River, na lumampas sa 16 meters kahapon, ayon sa NDRRMC.

Nagsagawa rin ng mga paglilikas sa mga residente ng Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila, kung saan may mga bahay na nakatirik lang sa dagat.

Sa probinsiya ng Rizal, nasa 1,776 na katao ang lumikas mula sa mga bahaing lugar sa Taytay, San Mateo, at Rodriguez.

Nasa 1,030 katao naman ang lumikas dahil sa baha sa Cavite at Batangas, iniulat ng OCD-Calabarzon.

Sa Central Luzon, nasa 30,322 katao ang binaha at kinailanga­ng lumikas, gayundin ang 7,025 katao sa Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.

 ?? PHOTOGRAPH BY JOEY SANCHEZ MENDOZA FOR THE DAILY TRIBUNE ?? WATERWORLD Tumutulay ang babae sa nakaangat na bahagi ng bangketa sa UN Avenue sa Maynila upang makaiwas sa baha habang tuluy-tuloy ang maghapong ulan nitong Sabado, Hulyo 24.
PHOTOGRAPH BY JOEY SANCHEZ MENDOZA FOR THE DAILY TRIBUNE WATERWORLD Tumutulay ang babae sa nakaangat na bahagi ng bangketa sa UN Avenue sa Maynila upang makaiwas sa baha habang tuluy-tuloy ang maghapong ulan nitong Sabado, Hulyo 24.
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines