Daily Tribune (Philippines)

BANTAY-SARADO KONTRA DELTA VARIANT

-

PARANG déjà vu ang pagbuhay muli ng gobyerno sa mga subok nang safety at health protocols ngayong araw-araw na nakapagtat­ala ng mga bagong kaso ng delikadong Delta variant ng coronaviru­s sa Pilipinas.

Kahapon lang, 17 ang bagong dinapuan ng Delta variant na naitala ng Department of Health (DOH), kaya may kabuuan nang 64 na kaso nito sa bansa sa ngayon. Sa bilang na iyon, 12 ang local cases at isa ang nagbalikba­yan na overseas Filipino, habang bineberika ang apat na iba pa kung saan ng mga ito nakuha ang COVID-19.

Sa 12 local cases ay siyam ang taga-Metro Manila habang tatlo ang mula naman sa Calabarzon. Tatlo sa mga pasyenteng ito ang nagpapagal­ing pa habang 14 ang nabigyangl­unas na sa sakit.

Ngayong mahigit 10 kaso ng mas nakakahawa at nakakapagp­aospital na Delta variant ang nadadagdag sa mga bagong nahahawaha­n ng COVID-19 kada araw, tama lang na naging maagap ang gobyerno sa mga estratehiy­a nito upang maiwasan ang paglala ng hawahan.

Ikinokonsi­dera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasar­a sa mga hangganan ng Pilipinas upang tiyaking hindi tayo malulusuta­n ng Delta variant.

Ibinalik ang mas istriktong general community quarantine (GCQ) with heightened restrictio­ns sa Metro Manila at sa apat pang lalawigan.

Binawi ang naunang pagpapahin­tulot sa mga bata na makalabas muli ng bahay, lalo na at hindi kasama ang mga menor de edad sa mga binabakuna­han kontra coronaviru­s.

Ibinalik ang mas mahigpit na curfew hours na nagsisimul­a ng 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga.

Sa mga susunod na araw, asahan na nating magtatakda ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ng mga bagong polisiya at karagdagan­g paghihigpi­t upang masigurong makokontro­l at hindi lolobo ang mahigit 60 kaso ng Delta variant sa bansa.

Gaya ng dati, magiging matagumpay lang ang lahat ng pagsisikap na ito kung makikiisa ang mga Pilipino sa mga protocols na ang tanging layunin ay mailigtas ang lahat mula sa delikadong uri na ito ng COVID-19 at maiwasan ang déjà vu ng paglobo ng mga kaso, tulad ng nangyari noong Marso.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines