Daily Tribune (Philippines)

GLAIZA, WALA PANG WEDDING DATE

- NI VALAH KAJAN

Kahit pa engaged na ang aktres na si Glaiza de Castro sa kanyang Irish fiancé na si David Rainey, wala pa rin pala silang definite date at venue kung kailan at saan nila idadaos ang kanilang kasal.

Paliwanag ng aktres, hindi pa sila talaga makapagpla­no nang todo dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic sa bansa pero umaasa siya na darating din ang tamang panahon para sa kanilang dream wedding.

Sa isang virtual mediacon nitong nakaraan para sa bagong soap ng GMA na TV adaptation ng classic movie na “Nagbabagan­g Luha” na pinagbidah­an noon nina Alice Dixson, Gabby Concepcion, Lorna Tolentino at Richard Gomez, sinabi ni Glaiza na wala pa talaga silang definite plans.

“No definite plans yet for marriage, kasi let’s face it, very challengin­g ang pandemic ngayon lalo na sa pagta-travel. Mahal yung relationsh­ip namin, kasi maraming travels na involved. We are hoping the restrictio­ns will ease out. Iniisip na lang namin na test ito for us, sa relationsh­ip namin, for us to be more trustful and patient with each other,” kuwento ni Glaiza.

“Pero may effect nga itong ‘Nagbabagan­g Luha’ sa akin which is about cheating. Naiisip ko na, naku, baka may iba na siya, kaya gusto ko na ring magkita kami,” dagdag niya.

Nang tanungin kung saan nila balak magpakasal, mas gusto umano ni Glaiza na dito na lamang sa Pilipinas dahil malaki umano ang kanyang pamilya.

“Ideally, gusto ko dito ang wedding namin. Kasi ang laki ng family ko, e. Hindi ko sila kayang dalhin lahat sa Ireland. Sila, 10 lang sila sa family nila. So when it comes to logistics, mas practical to do it here at para rin ma-experience nila ang Filipino culture.

I’m so excited to bring them around,” kuwento ni Glaiza.

Samantala, honored naman ang dalaga sa pagkaka-cast niya sa Nagbabagan­g Luha.

“I feel honored to be chosen to reprise the role of Ms.

Lorna Tolentino because she is one of the veteran actors

I really look up to. She gives every role not only justice but truth and that’s always been my objective ever since. I’m looking forward to working with my co-actors especially Ms. Gina Alajar who was my first mentor in acting,” sabi ni Glaiza.

Char!pt

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines