Daily Tribune (Philippines)

2-WEEK LOCKDOWN INIHIRIT!

GCQ WITH HEIGHTENED RESTRICTIO­NS, HINDI UMUUBRA, AYON SA OCTA…

-

Iginiit ng OCTA Research Group nitong Miyerkules na hindi umano epektibo ang pagpapatup­ad ng general community quarantine (GCQ) with heightened restrictio­ns sa National Capital Region (NCR) at sa mga kalapit-lugar nito dahil tumataas pa rin umano ang mga naitatalan­g kaso ng coronaviru­s disease (COVID-19) sa Metro Manila.

Kaya ang hirit ni OCTA Research fellow Ranjit Rye, kailangan nang magpatupad ng pamahalaan ng dalawang linggong lockdown upang masawata ang pagkalat pa ng nakamamata­y na sakit at ang mga variants nitong gaya ng Delta variant.

Ayon kay Rye, tumataas pa rin ang kaso sa Metro Manila na umabot na sa 1,000 mula 600 kaso nitong nakaraang dalawang linggo, kung kaya naman hindi na umano maiiwasang hindi mag-lockdown dahil sa banta ng Delta variant at dapat umanong gawin ito nang maaga.

Dagdag niya, mas pabor din sa ekonomiya ng bansa kung maaga pa lang ay ipapatupad na ang lockdown.

“Kung lumala ito baka pati ‘yung 4th quarter, madale po. Ang question na nireraise ng OCTA, when do we lockdown? Pagka 5,000 na ang kaso gaya noong ginawa natin noong March na nagsara tayo ng 2 buwan? O gagawin natin ng maaga para mas maiksi ang lockdown at mas maraming hindi mahahawa at may pagkakatao­n na walang mamatay? So ‘yun ang choice natin ngayon,” saad ni Rye.

Base sa datos ng Department of Health (DoH), umaabot na sa 119 ang naitatalan­g kaso ng Delta variant sa bansa, kung saan 12 ay active cases pero ayon din sa Health department, wala pa silang nakikitang dahilan para muling magdeklara ng lockdown.

Itinanggi rin ni Health Undersecre­tary Maria Rosario Vergeire na mayroon na umanong tinatawag na surge gaya ng sinasabi ng OCTA Research, subalit sinabi niya rin na nirerespet­o ng DoH ang ibang eksperto.

Dagdag ni Vergeire, dapat aniyang maghinay-hinay sa surge at lockdown dahil naaalarma rito ang publiko at dahil maraming dapat na ikonsidera sa pagdedekla­ra ng lockdown lalo’t sa enhanced community quarantine (ECQ) classifica­tion kung saan libo-libo ang inaasahang mawawalan ng trabaho.

Paliwanag ng Health department, nasa moderate risk level pa ang NCR at wala pa ito sa threshold para masabing tumataas na nang husto ang mga kaso.

“We do not want to sound an alarmist na nagpa-panic na yung buong bayan dahil dito. Kailangan natin i-communicat­e yung risk ng maayos, hindi po natin pwedeng gawin na pinagpapan­ic yung mga tao. Gusto natin maghanda tayo lahat, maghahanda po tayo. Pero we need to be very objective in this situation that we are in because we are considerin­g all factors,” saad ni Vergeire.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines