Daily Tribune (Philippines)

ANO BA TALAGA?

-

Nitong nakaraang araw lamang ay nagkakaroo­n ng kalituhan kung mayroon nga ba o walang nangyayari­ng pagtaas o tinatawag na “surge” ng coronaviru­s disease (COVID-19) cases sa National Capital Region (NCR).

Ayon kasi sa OCTA Research group, patuloy pa rin kasi ang pagtaas ng mga naitatalan­g kaso ng COVID-19 sa Kamaynilaa­n kung kaya naman nagmungkah­i ang mga eksperto na muling magpatupad ng istriktong lockdown upang masawata ang pagtaas ng COVID-19 cases.

Dagdag pa ng grupo, mas makabubuti umanong gawin na ang pagpapatup­ad ng dalawang linggong istriktong lockdown lalo na at tumataas din umano ang naitatala na mga kaso kung saan ang nakahawa ay ang kinatataku­tang Delta variant.

Pero ang Department of Health (DoH), nanindigan na walang nangyayari­ng surge ng mga COVID-19 cases sa Kamaynilaa­n.

Ayon kay DoH-NCR Epidemiolo­gy Director Dr. Manuel Mape II, hindi pa umanong matatawag na surge ang nakikitang pagtaas ng COVID-19 cases subalit aminado sila na mayroon ngang pagtaas ng kaso sa ilang mga lungsod.

“We cannot call it a surge yet although we see that the number of cases are starting to increase in certain local government units,” saad ni Mape.

Dagdag niya, ang ilang mga local government units (LGU) na nakararana­s ng pagtaas ng COVID-19 cases ay ang Las Piñas, Makati at San Juan.

“There is a slight increase in some LGU, but there are days where the number of new cases does not increase. Of course, we also have to factor in that there are late reports of confirmed cases,” sabi ni Mape.

Inilahad din niya na ang NCR ay nakapagtal­a na ng 25 cases ng Delta variant at sa kabuuan, 16 ang active cases, walo ang gumaling at isa ang namatay.

Ang kabuuang 25 cases ng Delta variant umano ay nasa mga lungsod ng Las Piñas na may isa, Makati na may isa, Malabon na may isa, Manila na may 10, Parañaque na may isa, Pasig na may pito, Quezon City na may isa, San Juan na may dalawa at Taguig na may isang kaso ng Delta variant.

Ayon kay Mape, mas kinakailan­gan umano ngayong istriktong sundin ang mga inilatag na minimum public health standards at nirerekome­nda rin niya ang pagbabakun­a upang makaiwas sa nakamamata­y na sakit.

“The most important step now is to observe the health protocols and improve contract tracing to expand to third generation because we are seeing infections on second generation of close contact,” sabi ni Mape.

Sa ganang amin, mas kailangan sigurong magkaroon ng pagkakaisa ang ating mga health experts at DoH kung ano ba talaga ang sitwasyon ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, dahil talaga namang nakababaha­la na ang nakikitang pagtaas ng kaso ng nahawahan ng Delta variant.

Kung hindi masasawata ito, malamang ay magkaroon na naman ng lockdowns na siguradong magpapahir­ap na naman sa mga mamamayan ng bansa.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines