Daily Tribune (Philippines)

ALERT LEVEL 2, HANGGANG KATAPUSAN NA?

-

NGAYONG Biyernes, ipinanukal­a ni Presidenti­al Adviser for Entreprenu­ership Joey Concepcion na panatiliin na lamang ang Alert Level 2 sa buong bansa hanggang 31 Disyembre 2021 sa harap naman ng banta ng bagong Omicron variant.

Sinabi ni Concepcion na gumanda na ang kalagayan ng mga establisye­mento matapos namang ipatupad ang unti-unting pagbubukas ng ekonomiya, partikular ngayong huling bahagi ng taon.

Ayon pa kay Concepcion, umabot na sa 80 porsiyento ang kita ng mga nagnenegos­yo.

Nito ngang Huwebes, inaprubaha­n ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ibaba na rin sa Alert Level 2 ang status ng Apayao mula sa Alert Level 3.

Nangangahu­lugan ito na lahat na ng lugar sa bansa ay nasa Alert level 2 na hanggang 15 Disyembre.

Inaasahan namang maglalabas muli ng bagong alert level ang IATF mula 16 hanggang 31 Disyembre 2021.

Umaasa naman ang lahat na tuloy-tuloy na ang pagsigla ng ekonomiya, bagamat may agam-agam pa rin dahil na rin sa banta ng Omicron variant.

Batay sa obserbasyo­n ng mga eksperto, halos nasa Alert Level 1 na rin ang Pilipinas sa harap naman ng mga aktibidad sa mga lansangan, mall at mga pampubliko­ng lugar.

Samahan din natin ng dasal ang gumagandan­g ekonomiya ng bansa na magtuloy-tuloy na ito at hindi na rin tumaas ang mga kaso ng coronaviru­s disease (COVID-19).

Puspusan din ang ginagawang pagbabakun­a ng pamahalaan para maprotekta­han ang mga Pinoy sa banta ng COVID-19, partikular sa nakaambang bagong Omicron variant.

Mas magandang maging maingat pa rin ang bawat isa at sumunod sa mga umiiral na protocol kagaya ng pagsusuot ng mask at pagpapatup­ad ng physical distancing.

Abangan natin kung mananatili ang Alert Level 2 hanggang katapusan ng taon.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines