Daily Tribune (Philippines)

DOH, MAY PAALALA NGAYON KAPASKUHAN

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Nagpaalala ang Department of Health (DoH) sa publiko kaugnay sa pagdaraos ng mga Christmas parties ngayong holiday season kahit pa bumubuti na ang kalagayan ng bansa pagdating sa coronaviru­s disease (COVID-19).

Ayon kay Health Undersecre­tary Maria Rosario Vergeire, mas makabubuti umanong mag-virtual Christmas party sa ngayon dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.

“Bagama’t bumababa ang numbers sa bansa, kailangan isipin na nandiyan pa rin ang COVID virus at maari pa ring ma-infect at makainfect,” saad ni Vergeire.

Pero aminado siyang may mga magtutulak na gumawa ng in-person Christmas party.

Ngayong pinapayaga­n na ang mga Christmas gathering sa ilalim ng Alert Level 2, nagpaalala si Vergeire na may paraan para maiwasan ang hawahan.

“I advise employers to require only fully-vaccinated to attend parties, that you will hold it in open space, face mask and physical distancing should be followed,” sabi ng DoH official.

Imbis din aniya na buffet style, dapat set meal na ang ibigay sa mga pupunta para maiwasan ang hawahan.

Samantala, sinimulan na nitong Biyernes ang pagturok ng booster shots kontra COVID-19 para sa mga 18 anyos pataas na wala sa unang tatlong priority groups.

Nabanggit na nitong nakaraan ng mga awtoridad na pinapayaga­n nila ang magpapaboo­ster na mamili kung pareho o iba ang brand ng booster sa naunang itinurok sa kanila, pero iginiit ng gobyerno na kunin na ang available na bakuna.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, nagsimula na ang siyudad nila sa pamimigay ng booster shots para sa mga 18 anyos pataas na nasa A1 hanggang A5 na kategorya.

Sa ngayon, may 389,451 nang nabakunaha­n ng booster shots kontra COVID-19.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines