Daily Tribune (Philippines)

PAGPASOK NG OMICRON SA PHL, PATULOY NA PAGHANDAAN

-

PATULOY ang pagkalat ng bagong Omicron variant sa iba’t ibang bahagi ng mundo matapos naman itong unang madiskubre sa South Africa kayat dapat ay doble kayod ang mga kaukulang ahensiya para matiyak ang kahandaan ng bansa.

Bagamat wala pang naitatalan­g kaso ng Omicron sa Pilipinas, hindi naman maiiwasan na tuluyan itong makapasok sa bansa sa harap naman ng patuloy na pagdating ng mga bumibiyahe mula sa ibang bansa.

Bukod pa rito, hindi maiiwasang makalusot ang mga posibleng may dala ng Omicron variant mula mga iba’t ibang pantalan sa bansa kayat dapat ay paigtingin din ng mga lokal na pamahalaan ang pagbabanta­y sa kani-kanilang mga nasasakupa­n.

Naglabas na rin ng bagong patuntunan ang Inter-Agency Task Force (IATF) kung saan inatasang ang mas mahabang quarantine para sa mga nanggagali­ng sa ibang bansa.

Batay sa bagong protocol, kailangang magpakita ng negatibong RT-PCR ang mga biyahero na dumarating sa bansa na kinuha sa loob ng 72 oras.

Bukod pa dito, isasailali­m sa limang araw na facility-based quarantine ang mga dumarating sa bansa. Pagkatapos ng limang araw, muli silang isasailali­m sa swab test, at kung negatibo, papayagan silang umuwi sa kanikanila­ng lugar bagamat kailangan silang sumailalim sa home quarantine ng siyam na raw pa para mabuo ang 14 na araw na mandator quarantine.

Dapat ay hindi ring payagang makalusot ang mga biyahero mula sa ibang bansa sa harap naman ng ulat na may ilang nagtangkan­g pumuslit mula sa mga quarantine facilities.

Unti-unti nang bumabalik ang normal na pamumuhay ng mga Pinoy at ito’y dahil na rin sa ginagawang pagbabakun­a sa bansa.

May agam-agam sa kahihinatn­at ng bansa sakaling makapasok na naman ang panibagong variant sa bansa.

Ang kailangan ngayon ay kahandaan ng mga ahensiya ng pamahalaan para mas organisado ang pagtugon sab anta ng Omicron variant.

Nalampasan na ng bansa ang maraming variant at ang huli ay ang Delta kayat dapat ay maging positibo lang tayo na kaya rin nating matugunan ang banta ng Omicron variant.

Tiyakin na handa ang mga ospital sakaling tumaas muli ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa kabila naman nito nananalig pa rin tayo na hindi na muling sisipa ang mga kaso ng COVID-19 pero iba pa rin ang handa sa paparating na banta ng bagong variant.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines